Pandemic hugot ni Pauleen: Natutunan ko talaga na napakaikli lang ng buhay Bandera

Pandemic hugot ni Pauleen: Natutunan ko talaga na napakaikli lang ng buhay

Ervin Santiago |January 26,2022
share this

Pandemic hugot ni Pauleen: Natutunan ko talaga na napakaikli lang ng buhay

Ervin Santiago January 26, 2022 - 10:08 AM

Vic Sotto, Pauleen Luna at Tali

KUNG may isang mahalagang life lesson na natutunan ang misis ni Bossing Vic Sotto na si Pauleen Luna ngayong pandemya, yan ay ang i-enjoy ang buhay nang bonggang-bongga kasama ang pamilya.

Sa panahon ng COVID-19 pandemic, talagang napatunayan ni Pauleen ang matagal nang kasabihan na napakaili ng buhay ng mga tao sa mundo kaya huwag itong sayangin sa walang kuwentang mga bagay.

Nag-post ang “Eat Bulaga” Dabarkads ng litrato nila ng kanyang anak na si Tali sa Instagram at ipinagdiinan ang kahalagahan ng pamilya at mga totoong kaibigan sa mga panahong ito ng health crisis.

Ito naman ang caption ng Kapuso TV host-actress sa kanyang IG photo, “This pandemic has taught me that life is truly short. Imagine, we’ve been in this situation for more or less 2 years now. 

“And if there’s something good that came out of this, it is the time we got to spend with our family. Time that never would’ve existed if we (Vic and I) were so busy with work,” chika pa ni Poleng.

Dugtong pa ng Kapuso actress at celebrity mom, “So just like with anything that comes my way, i try to always see the good in every situation. 

“Now i am able to fully embrace motherhood and see right before my eyes what my awesome little girl is unfolding into.

“And i am documenting it! (Yes, even little moments like toothbrush time kulit mom). 

“It would be really awesome to look back at this time of our lives one day and tell her all about the beautiful memories we’ve made,” ang kabuuan ng mensahe ng butihing misis ni Bossing.

Samantala, sa isang panayam naman natanong si Pauleen kung papayagan ba niya si Tali na pasukin din ang showbiz pagdating ng tamang panahon.

“I met her father through this business so it’s hard to make up excuses.”

“I don’t know if I would actually be able to dissuade her, or convince her to join show biz when she’s already much older,” tugon ni Pauleen.

Aniya pa, “As for the dad, I don’t think he will try to stop Tali because his other kids, Oyo and Danica, practically grew up in showbiz.

“I guess the good thing that happened to me was that my mom was there to guide me the entire time. She was there until I turned 23,” sabi pa ng aktres.

Inalala rin niya ang panahon nang hindi niya maintindihan ang kanyang nanay kung bakit kailangan pa siyang samahan nito sa mga showbiz events kahit nasa tamang edad na siya.

“Now, looking back, I appreciate her effort because everything I’ve learned about life along the way was because of her. The only reason my dad said ‘yes’ to me becoming an actress was because my mom promised never to neglect me,” paliwanag ni Poleng.

Ikinasal sina Vic at Pauleen noong Jan. 30, 2016 sa St. James The Great Parish Church sa Alabang at isinilang naman niya si Tali noong November, 2017. 

Pauleen ibinandera ang 10 taong relasyon nila ni Bossing: Know that in this life, I will always choose you

Hirit ni Tali Sotto sa kanyang mommy Pauleen: Kuya Vico looks like daddy!

Pauleen nalulungkot, natatakot sa ilang negatibong epekto ng online class kay Tali

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending