Kiray Celis: 'Wag mong kwestiyunin kung saan ka nagkulang | Bandera

Kiray Celis: ‘Wag mong kwestiyunin kung saan ka nagkulang

Therese Arceo |April 08,2023
facebook
share this

Kiray Celis: ‘Wag mong kwestiyunin kung saan ka nagkulang

Therese Arceo - April 08, 2023 - 10:30 PM

Kiray Celis: 'Wag mong kwestiyunin kung saan ka nagkulang

SA kasagsagan ng mga isyung hiwalayan ay may paalala ang Kapuso actress-comedienne na si Kiray Celis sa madlang pipol.

Sa kanyang Facebook page ay nagbigay advice ang dalaga patungkol sa huwag pagkwestiyon sa sarili.

“Wag mong kwestyunin kung saan ka nagkulang. Wag mong itanung kung saan ka nagkamali,” saad ni Kiray.

Pagpapatuloy pa niya, “Wag ka magtanung sa sarili mo. Kasi alam mo sa dulo, Binigay mo ang lahat.”

Marami naman sa mga netizens ang nag-comment sa post ng komedyana dahil sa pag-aakala na baka may pinagdaraanan ito.

Naka-tag pa nga sa ilang comments ang “mortal” na online enemy ni Kiray na si Senyora.

“Senyora Nagkalabuan na ata sila ng Jowa . HAHAHA,” saad ng isang netizen.

Baka Bet Mo: Sachzna Laparan hiwalay na nga ba kay Jerome Ponce, tanong sa sarili: Anong kulang sa ‘kin?

Sey naman ng isa, “Kiray Celis Pano Po Kong binigay mo na nga Lahat pero kolang parin.”

“Senyora alam mo nmn siguro kung san ka nag kulang diba? kaya wag ka ng mag kwestyun,” comment naman ng isa.

May mga nagta-tag rin naman sa controversial ex-lovers sa post ni Kiray na sina Sachzna Laparan at Jerome Ponce.

Matatandaang trending ngayon ang dalawa matapos mag-viral ang vlog ni Sachzna kung saan makikitang humahagulgol ito habang kinukwestiyon ang sarili kung anong kulang sa kanya.

Chika ng mga netizens, ito ay unsolicited advice ni Kiray sa vlogger-entrepreneur na kasalukuyang may pinagdaraanan sa buhay.

Para sa lahat ng mga may pinagdaraanan, mahigpit na yakap, ka-Bandera!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Kiray Celis ibinibigay sa mga magulang ang lahat ng kinikita sa showbiz: ‘Kung may raket-raket, ‘yun lang ang sine-save ko sa sarili ko’

Kiray binati ang sarili sa 27th birthday: Sobrang proud ako sa ‘yo kasi kung gaano ka katapang noon, ganu’n ka pa rin hanggang ngayon!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending