Sachzna Laparan hiwalay na nga ba kay Jerome Ponce, tanong sa sarili: Anong kulang sa 'kin? | Bandera

Sachzna Laparan hiwalay na nga ba kay Jerome Ponce, tanong sa sarili: Anong kulang sa ‘kin?

Therese Arceo |April 07,2023
facebook
share this

Sachzna Laparan hiwalay na nga ba kay Jerome Ponce, tanong sa sarili: Anong kulang sa ‘kin?

Therese Arceo - April 07, 2023 - 02:38 PM

Sachzna Laparan hiwalay na nga ba kay Jerome Ponce, tanong sa sarili: Anong kulang sa 'kin?

PALAISIPAN ngayon sa mga netizens kung nag-break na ba ang celebrity couple na sina Sachzna Laparan at Jerome Ponce.

Inamin ng dalaga na mayroon siyang pinagdaraanan sa kanyang buhay sa pamamagitan ng isang vlog na pinamagatang “Docuweek” na in-upload niya noong Miyerkules, April 5.

Makikitang nakaupo ang vlogger sa sofa sabay may nagtanong sa likod ng kamera ng “Kumusta ka, Sachzna?”

Dito na nagsimulang magbaliktanaw ang dalaga sa mga nangyari sa kanya sa mga nagdaang araw kung saan makikitang um-attend siya ng Team Payaman Fair, nag-shoot ng endorsements, at pag-aayos ng kanyang negosyo.

“Actually, yung week na ipinakita ko sa inyo, parang mga nasa twenty or thirty percent pa lang yan. Ang dami kong ginawa while in pain and struggle,” paglalahad ni Sachzna.

Pagpapatuloy niya, “Na-realize ko nitong week na ito, hindi lahat ng tao na nandiyan ngayon sa yo ay mananatiling nandiyan sa yo. Kailangan mong maging ready sa lahat. Ako, inaamin ko na hindi ako ready sa lahat.”

Hindi naman direktang sinabi ni Sachzna kung ano ang kanyang pinagdaraanan ngunit nagbigay clue ang mga sumunod na clips na kanyang ipinakita.

Makikita ang dalaga sa loob ng kanyang artista van habang humahagulgol sa pag-iyak at patuloy na kinukwestiyon ang sarili.

“Ang sakit-sakit na. Ang sakit-sakit. Anong ginawa ko? Anong kulang sa akin? Anong kulang? Anong kulang?” umiiyak na tanong ni Sahzna.

Sumagot naman ang kanyang ina at sinabing, “Wala kang ginawa anak. Nagmahal ka, minahal mo nang totoo. Yun lang yon.”

Baka Bet Mo: Sachzna Laparan tinakot daw ng pulis; netizens napa-react

“Hindi ko mailabas through social media na dini-deal ko sa sarili ko while doing my own things like work… Pero mas strong siguro na Sachzna yung ngayon, yung makikita niyo. Makikita niyo na mas focus ako sa sarili ko,” kuwento niya.

Kaya naman humanap si Sachzna ng iba pang pagkakaabalahab gaya ng pag-enroll sa ballet class at ang pagpe-painting para mailabas lahat ng kanyang nararamdamang emosyon.

Sa kabila ng pinagdaraanan ay pinili pa rin ni Sachzna na ipagpatuloy ang buhay at maging matatag para sa sarili at maging professional sa kanyang mga commitments sa trabaho.

Chika pa ni Sachzna, “Alam ko sa sarili ko na mas matatag [ako], mas [naging] bold. “Pero yung heart ko kahit na ilang beses ka masaktan ng ibang tao, lagi mong piliin na magpatawad at maging mabait pa rin, maging mabuting tao.

“Kasi hindi na ikaw yung gagawa non para ma-feel nila at ma-realize nila kung ano yung mga maling ginawa nila sa iyo. Ibibigay ko na lang siguro yon kay God. Pero ako magpo-focus na lang ako sa sarili ko.”

Isang aral rin daw ang natutunan ni Sachzna sa kasalukuyang pinagdaraanan.

“Magtira ka palagi sa sarili mo. Kasi at the end of the day, sarili mo lang yung nandiyan para sa yo at siyempre family mo.

“Naniniwala ako, step by step, magiging okay ka rin soon. Not now, but soon, magiging okay ka rin. Sobrang positive ako ngayon. Naniniwala ako na I’ll be okay again soon. Hindi habang buhay ganito ako,” sey ni Sachzna.

Marami rin sa mga netizens ang nagtaka dahil wala nang bakas ng relasyon nila sa kanilang Instagram accounts at makikita ring nag-unfollow si Sachzna at Jerome sa isa’t isa bagay na mas nagpaigting pa ng suspetsa ng mga netizens.

Matatandaang noong May 2021 nang maging usap-usapan kung mayroon bang namamagitan sa dalawa matapos tawaging “Nassib” ni Jerome si Sachzna sa kanyang birthday greeting. Eventually ay inamin rin ng dalawa na in a relationship na sila.

Ang “Nassib” ay isang Arabic term na nangangahulugang “destiny” o “fate”.

Bukas naman ang BANDERA sa paglilinaw nina Sachzna at Jerome ukol sa estado ng kanilang relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Jerome Ponce ‘walang-wala’ na raw kaya kapit kay Darryl Yap, pinalagan ang netizen

Sachzna Laparan ipina-Tulfo ang nagpakilalang pulis sa kanyang viral video

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending