Jerome Ponce 'walang-wala' na raw kaya kapit kay Darryl Yap, pinalagan ang netizen Bandera

Jerome Ponce ‘walang-wala’ na raw kaya kapit kay Darryl Yap, pinalagan ang netizen

Therese Arceo |December 02,2022
share this

Jerome Ponce ‘walang-wala’ na raw kaya kapit kay Darryl Yap, pinalagan ang netizen

Therese Arceo - December 02, 2022 - 11:29 PM

Jerome Ponce 'walang-wala' na raw kaya kapit kay Darryl Yap, pinalagan ang netizen
HINDI na nakapagpigil ang aktor na si Jerome Ponce at tuluyan na ngang pumatol sa mga hindi magandang komento na kanyang natatanggap.

Panay negatibo na kasi ang sinasabi sa kanya ng mga netizens matapos niyang tanggapin ang alok para maging parte ng pelikulang “Martyr o Murderer” sa direksyon ni Darryl Yap.

Matatandaang inanunsyo ni Darryl sa kanyang Facebook page na isa nga si Jerome sa mga cast ng kanyang upcoming film.

Ang mas malaking pasabog pa rito ay siya ang gaganap na batang Ninoy Aquino.

Nauna kasing napanood si Jerome sa pelikulang “Katips” na siyang kumalaban sa pelikulang “Maid in Malacañang” na idinirek rin ni Darryl.

Kaya naman marami ang nadismaya nang maging cast ito ng “Martyr o Murderer.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jerome Ponce (@mrjeromeponce)

“Ikaw ba ung batang Ninoy? ang laki cguro ng bigay sa talent fee mo HAHA walang wala naba kaya kapit na ky acclang Darryl,” komento ng netizen.

Patol naman ni Jerome, “Hanap ka trabaho.. sayang buhay.. baka may family kang binubuhay or what..”

Mukha namang hindi na rin nabigla ang iba sa madlang pipol dahil noong Agosto lang ay namataan ang binata na pinapanood ang pelikulang “Maid in Malacañang” kasama ang girlfriend nitong si Sachzna pati na rin ng nanay nito.

Ito ay sa kabila ng kanilang pagganap sa pelikulang “Katips” na idinirek ni Atty. Vince Tañada na kasabay na showing ng pelikula ni Darryl Yap.

Related Chika:
‘Katips’ lead cast na si Jerome Ponce nanood ng ‘Maid in Malacañang’, Darryl Yap nagpasalamat

Jerome Ponce, Jane Oineza muntik nang maging magdyowa: Hindi po nag-bloom

Jerome Ponce nakabili na ng bahay para sa pamilya: Doon na kami magpapasko!

Nikko, Jerome, Dave ang bagong Goma, Tsong at John; bibida sa sitcom na ‘GVBOYS’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending