Jerome Ponce nakabili na ng bahay para sa pamilya: Doon na kami magpapasko!
ISANG malaking blessing ang turing ng Kapamilya young actor na si Jerome Ponce sa pagkakaroon ng entry sa 2018 Metro Manila Film Festival, ang horror-suspense na “OTLUM”.
Ito ang official entry ng Horse Show Productions, distributed by Reality Entertainment at sa direksyon ni Joven Tan.
Ayon kay Jerome, isa lamang ang “OTLUM” sa naging achievements niya ngayong 2018 bukod sa paghataw niya sa telebisyon at pagtanggap ng mga awards dahil sa pagganap niya sa teleseryeng The Good Son ng ABS-CBN.
Masaya si Jerome sa itinakbo ng kanyang karera ngayong taon kaya naman looking forward na siya sa pagdating ng 2019 at sa mga bagong proyektong gagawin niya.
Sa nabili na niyang bahay magse-celebrate ng Pasko at Bagong Taon si Jerome kasama ang kanyang pamilya.
“Opo. Excited na ako for Christmas and New Year. Doon po sa bahay na nabili ko kaming lahat magse-celebrate kasama ang buong family ko. Bago yung bahay kaya dapat po ay doon talaga kami sasalubong ng Bagong Taon,” lahad pa ni Jerome.
“Since nagkaroon po ng katuparan ang pangarap kong magkabahay, siyempre po, napakasaya. Nakita ko po ang pinaghirapan ko for the past years. Masayang-masaya po ako talaga. Sana mas maraming projects pa ngayong 2019,” wish pa ni Jerome.
“At sana po panoorin nila ang ‘OTLUM’ ngayong pasko. Pamasko n’yo nalang din po sa akin, sa lahat ng cast and production staff,” pakiusap pa ng binata.
Showing na ang “OTLUM” sa Dec. 25 bilang bahagi ng 2018 MMFF. Kasama rin dito sina Michelle Vito, Buboy Villar, Ricci Rivero at marami pang iba.
READ MORE:
#Balikang-CarGel: Angelica, Carlo magdyowa na uli
Jessy napaiyak sa presscon, umaming gusto nang mag-quit sa showbiz
2018 Miss U candidates nilamon ni Catriona; ‘lava-slow mo’ walk patok
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.