Christmas Tree: Bakit at paano nga ba naging simbolo ng Pasko?

Christmas Tree: Bakit at paano nga ba naging simbolo ng Pasko?

Ervin Santiago - December 11, 2024 - 11:55 AM
Christmas Tree: Bakit at paano nga ba naging simbolo ng Pasko?

ISA sa mga mahahalagang simbolo ng Kapaskuhan ay ang Christmas Tree. Hindi kumpleto ang pagdiriwang ng  Pasko sa iba’t ibang panig ng mundo kung wala ito.

September pa lang ay may mga nagtatayo at nagde-decorate na ng Christmas Tree sa kani-kanilang bahay, pati na sa ilang shopping malls at mga public places.

In fairness, taun-taon ay talagang pinag-iisipan na ng pamilyang Pinoy ang tema at magiging dekorasyon at palamuti ng kanilang mga pasabog na Christmas Tree.

Pero mga ka-BANDERA, knows n’yo ba kung saan at paano nagsimula ang paggamit sa Christmas Tree bilang isa sa pinakamakulay at pinakamaningning na simbolo ng Pasko?

Baka Bet Mo: Medical procedure ni Kris Aquino hindi natuloy dahil sa feng shui?

Ayon sa Wikepedia, ang Christmas Tree o Punong Pamasko ay “isa sa pinakatanyag na mga kaugalian na may kaugnayan sa pagdiriwang ng Pasko. Karaniwan itong isang puno na palaging lunti at koniperoso (may bungang kono), na dinadala sa isang tahanan o ginagamit sa labas ng bahay, at pinapalamutian ng mga ilaw na pamasko at makukulay na mga ornamento tuwing mga araw na nakapaligid sa panahon ng kapaskuhan.

“Isang anghel o isang bituin ang madalas na inilalagay sa tuktok ng punong ito, upang maging representasyon ng Bituin ng Betlehem magmula sa Kapanganakan ni Hesus.”

Ang salitang Christmas Tree ay nagsimula umano sa bansang Germany noong taong 722.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Si Saint Boniface o San Bonifacio ay inatasan ni Papa Gregorio Segundo noong 719 A.D. na akayin tungo sa Kristiyanismo ang mga Aleman upang iwan na nila ang kanilang hidwaan hinggil sa pananampalataya.

Base sa research, nag-start ang kahalagahan ng Chrismas Tree sa naging experience ni Saint Boniface nang may makasalubong siyang mga Pagano na may dalang bata na kanilang isasakripisyo sa pinakasentro ng oak tree, sa mismong araw ng Pasko.

Para mapigilan ang planong “pag-aalay” sa bata ay naisipan niyang putulin ang isang puno kung saan may tumubong Fir tree na hugis Christmas tree.

Kumuha siya palakol at sa pamamagitan lamang ng isang paghataw ay natumba na agad ang malaking puno at matapos ay itinuro ang isang maliit na punong evergreen at sinabi na wala dapat mamatay ngayon dahil kapanganakan ngayon ni Hesukristo.

Hinikayat niya ang mga tao na ang maliit na puno na lamang ang iuwi sa kanilang mga bahay at huwag nang magsagawa ng anumang ritwal sa kakahuyan dahil ang naturang Fir Tree ay ang puno ni Jesus Christ, ang puno ng buhag na  walang hanggan.

Dahil dito, nagsilipatan ang karamihan sa Kristiyanismo at naniwala na ang kulay berdeng puno na nakatutok sa kalangitan ay isang “holy tree” at simbolo ng batang si Hesus.

* * *

Ang oak tree ay isa nang mahalagang elemento ng ritwal at pagsamba ng mga Druids sa Alemanya.

Sabi ni Pliny the Elder ng Roma, “The Druids hold nothing more sacred than the mistletoe and the tree on which it grows provided it is an oak. They choose the oak to form grooves, and they do not perform any religious rites without its foliage.”

Dito rin nagsimula ang kapaniwalaan tungkol sa mistletoe kung saan kapag nagkatapat ang dalawang tao sa ilalim nito sa panahon ng Kapaskuhan ay kailangang mag-kiss.

Bukod sa mga Druids, pati ang mga Romano noon ay pinapalamutian pa ang mga punong evergreen bilang tanda ng muling pagsilang.

Bukod kay Saint Boniface, nandiyan din si Martin Luther na siyang tagapagtatag ng Protestantismo.

Siya ang paring humiwalay sa Simbahang Katoliko at nagsimula ng Protestanrismo.

Base sa kasulatan, kalagitnaan ng  1500s, naglalakad daw si Luther bisperas ng Pasko, nang maisipan niyang palamutian ang isang punong evergreen ng mga kandila.

Ipinakita umano niya ito sa kanyang mga anak at sinabing simbolo ito ng liwanag ng daigdig na kumakatawan kay Hesukristo.

Ang “star” o tala naman sa ibabaw nito at ang belen sa ilalim, ay sumisimbolo sa liwanag na naging gabay ng mga Asyanong mago para mahanap ang bagong silang na si Hesus.

Hanggang sa kumalat na nga ito sa iba’t ibang lugar sa Europa at umabot sa Amerika. At dahil sa paglaganap ng komersyalismo, dinala ng mga Amerikano sa mga Filipino ang kapaniwalaan tungkol sa kahakagahan ng Christmas Tree tuwing Pasko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon pa sa pag-aaral, ang tunay na mensahe ng Christmas Tree ay ang pagiging liwanag nito sa gitna ng kadiliman, at magdala ng init ang liwanag nito sa lahat dulot ng matinding lamig ng Kapaskuhan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending