#Balikang-CarGel: Angelica, Carlo magdyowa na uli

By Cristy Fermin December 13,2018
share this

#Balikang-CarGel: Angelica, Carlo magdyowa na uli

By Cristy Fermin December 13,2018
share this

ANGELICA PANGANIBAN AT CARLO AQUINO

TAPOS na si Angelica Panganiban sa pakikipagkaibigan sa kalungkutan. Mukhang nagising na siya sa katotohanan na pinaasa man siya ni John Lloyd Cruz na sila pa rin pero hindi na pala dahil umeksena na si Ellen Adarna ay hindi niya kailangang sayangin ang kanyang buhay.

Tapos na ang kanyang pagmemelangkolya, tapos na rin ang mga hinaing niya sa buhay, dahil nandiyan na ang lalaking dati siyang minahal at handa pa rin siyang mahalin hanggang ngayon.

Mahabang panahon din silang naging magkarelasyon ni Carlo Aquino, mga bata pa sila ay sa magaling na aktor na niya natikman ang ibig sabihin ng pagmamahal, nagkaroon lang ng third party sa kanilang relasyon kaya nauwi ‘yun sa hiwalayan.

Pero kung nagbabago ang takbo ng panahon ay ganu’n din ang tao, maraming nagbabago sa paglipas ng mga taon, kaya puwede nilang ituloy ang naudlot nilang pagmamahalan ngayon.

Kuwento ng aming source na malapit sa magandang dalaga ay ibang-iba na ang pananaw niya sa buhay ngayon. Maraming pagbabago. Maraming bagay na nagpapaligaya kay Angelica.

Kuwento ng aming source, “Ibang-iba na ang aura niya ngayon. Saka hindi na siya masungit, marunong na siyang tumawa. Si Carlo ang alam kong dahilan nu’n!

“Sana nga, e, bigyan pa nila ng chance ang mga sarili nila na ituloy ang naunsiyami nilang relasyon. Hindi na sila mga teenagers ngayon, alam na nila ang mga tama at mali.

“Sa tingin ko, e, sila na nga, kasi, maraming pagbabago kay Angel. Love lang ang alam kong reason nu’n,” pagtatapat ng kaibigan ng magandang aktres.

Sana nga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending