Angelica Panganiban gumawa ng bagong core memory sa Boracay
IBINANDERA ng aktres na si Angelica Panganiban ang kanyang naging bakasyon kasama ang asawang si Gregg Homan at Baby Bean sa Boracay.
Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang mga video clips at pictures nilang mag-anak habang ini-enjoy ang isla.
Ilan sa mga ito ay ang video ni Bean habang naglalaro sa buhanginan at ang ilang larawan nila Angelica at Gregg together.
Makikitang super na-enjoy nila ang kanilang bakasyon habang nagtatampisaw sa beach at gumagawa ng unforgettable memories together.
Baka Bet Mo: Nanay ni Angelica Panganiban pumanaw na sa edad 61
View this post on Instagram
Samantala, makikita naman sa caption ni Angelica ang kanyang pagbabaliktanaw noong siya ay hindi pa nagkakapamilya.
Aniya, ibang-iba raw ang dating ng Boracay sa kanya ngayong kasama na niya ang sariling pamilya.
Paglalahad ni Angelica, “Remember your youth when you used to go to boracay partying all day and night and bring back home blurry memories?
“Cut to… going back to boracay with your toddler, husband and family… no more blurry bora or black out bora.. [emojis] it’s now a super core memory boracay. ( ang sarap pala mag breakfast sa bora )”
Makikita naman sa comment section ang mga mensahe ng mga netizens lalo na ng mga kaibigan nila mula sa showbiz.
“Awww!!! Nakaka fragile yung 2nd to the last slide momsy. [emojis] love you momsy!!!!” saad ni Kim Chiu.
Comment naman ni Bela Padilla, “Beautiful memories for a beautiful fam.”
“Saw you guys at bora and my kids had a chance to play with Baby bean.. She’s so pretty grabe, smart and mabaet!! She’s such a happy baby,” sey naman ng isang netizen.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.