Nanay ni Angelica Panganiban pumanaw na sa edad 61

Nanay ni Angelica Panganiban pumanaw na sa edad 61

Ervin Santiago - August 22, 2024 - 09:12 AM

Nanay ni Angelica Panganiban pumanaw na sa edad 61

Angelica Panganiban at Annabelle Panganiban

NAGLULUKSA ngayon ang pamilya ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban sa pagpanaw ng kanyang inang si Annabelle Panganiban. Siya ay 61 years old.

Namaalam ang nanay ni Angelica nitong nagdaang Martes, August 20, at kinumpirma nga ito ng aktres sa pamamagitan ng social media.

Baka Bet Mo: Angelica nahirapan sa unang 3 buwan ng pagbubuntis: Susuka, iiyak, tatawa, mainit ang ulo…para akong kinikiliti!

Idinaan ni Angge sa kanyang Instagram account ang pagbabahagi sa publiko ng malungkot na balita kahapon, August 21, kalakip ang litrato nito. Narito ang nakasulat sa announcement ng kanilang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica P Homan (@iamangelicap)


“IN LOVING MEMORY OF ANNABELLE “EBELA” PANGANIBAN

“FEBRUARY 03,1963 – AUGUST 20, 2024

“Wake and memorial service will be held at AETERNITAS CHAPELS AND COLUMBARIUM (beside St. Peter Parish, Commonwealth)

“Starting August 22, 2024.”

Wala namang binanggit sa naturang announcement kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay ng nanay ni Angelica.

Baka Bet Mo: Angelica ibinandera ang pa-lechon ni Maja, tip niya: ‘Kaibiganin niyo siya!’

Bumuhos naman ang mensahe ng pakikiramay para sa pamilya ni Angelica mula sa kanyang supporters at celebrity friends kabilang na riyan sina Carla Abellana, John Arcilla, Angeline Quinto, Neri Miranda, Enchong Dee, Dominic Roque, Miles Ocampo, Carol Banawa at Coney Reyes.

Nakiramay din sina Bea Alonzo, Barbie Imperial, Bela Padilla, Kim Chiu, Camille Prats, Pauleen Luna, JC de Vera, Rocco Nacino, Candy Pangilinan, Jolina Magdangal, Jugs Jugueta, Regine Angeles at DJ Chacha.

Matatandaang nag-post pa si Angelica ng pa-tribute para sa kanyang ina pagkatapos ng second wedding nila ni Gregg Homan last April 20, 2024 sa isla ng Siargao.

Mensahe ni Angge sa ina, “Mama, alam ko kung gaano ka kasaya. Nauwi ako sa tamang tao.

“Madalas tayo mag biruan, sinasabi mo na alagaan ko si gregg at UMAYOS AKO (winking face emoji) ang sagot ko naman, maaa, dead na dead yan sakin (face with tears of joy emoji).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica P Homan (@iamangelicap)


“Pero ang totoo, hindi ako magiging sapat na mama ni bean ngayon at may bahay ni gregg kung hindi mo ko napalaki ng tama.

“Lahat ng meron ako ngayon ay pasasalamat ko sayo.

“Ikaw ang kayamanan ko na kaya kong ipagmalaki kahit kanino dahil ang lahat ng aral na napulot ko sayo ang ipapamana ko sa pamilya ko.

“Hindi ako perpekto at ideal na anak. Matigas ang ulo ko at madalas nilalaban ko ang mga gusto kong subukan.

“Pero hindi mo ko pinigilan o sadyang wala ka na lang nagawa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Salamat at hinayaan mo kong subukin ang lahat para sa ikakatapang ko. Mahal kita ma (heart emoji),” ang madamdaming mensahe ni Angge para sa kanyang nanay.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending