Bride na namatayan ng groom napapraning sa nalalapit na kasal

Bride na namatayan ng groom noon napapraning sa nalalapit na kasal

Ervin Santiago - March 31, 2025 - 12:25 AM

Bride na namatayan ng groom noon napapraning sa nalalapit na kasal

Stock image

MALAPIT nang ikasal ang isang babaeng netizen sa kanyang boyfriend pero matinding takot ang nararandaman niya ngayon dulot ng kanyang mental health problem.

Nagkaroon siya ng matinding trauma matapos mamatay ang una sana niyang mapapangasawa nang maaksidente ito anim na taon na ngayon ang nakararaan.

Ang isyu ngayon ng female netizen, inaatake uli siya ngayon ng kanyang mental health problems habang papalapit na ang kanyang kasal sa kanyang current partner.

Ibinahagi ni Ate Girl sa Facebook page na Peso Sense ang kanyang sitwasyon ngayon para maihinga ang kanyang nararamdaman, at makakuha rin ng payo sa mga makakabasa ng kanyang letter.

“Hi, admin. Please hide my identity. Nais ko lamang ilabas ang aking saloobin sa ating mga kasama sa grupong ito.

“Una, nagpapasalamat ako at nagkaroon ng pagkakataon na ako’y mapabilang dito sapagka’t samu’t saring kwento ang aking nababasa at napagkukuhaan ng insipirasyon at kung minsa’y patnubay sa mga desisyon sa iba’t ibang uri ng sitwasyon.

“At ito, sa ikalawang pagkakataon ako’y magbabahagi ng aking saloobin. At pangangamba,” pagbabahagi niya.

Pagpapatuloy pa ni Ate Girl, “Mangyari na ako ay ikakasal na sa aking tatlong taong nobyo na labis ikinatutuwa ng aking puso. Subali’t hindi mawala sa akin ang pag agam agam dahil hindi ito ang unang pagkakataon na ako’y nag asikaso ng kasal.

“Isa akong ‘single mother’. Anim na taon na ang nakalilipas noong una pagkakataon ako’y nag asikaso ng sariling kasal.

“Ako’y hindi pa nagdadalang-tao noon, lumipas ang buwan at nalaman ko na ako’y buntis na. Nangyari ‘yun noong dalawang linggo na lamang ang aming kasal.

“Dalawang araw bago ang kasal, binawian ng buhay sa aksidente ang aking kasintahan at noon ay isang buwan pa lamang o wala pa ang sanggol sa aking sinapupunan,” kuwento pa niya.

At dahil daw sa pangyayaring ito, “Nagkaroon ako ng sakit sa pag iisip. ‘PTSD’ – ‘SEVERE DEPRESSION’ – clinically diagnosed
Lumaban ako sa buhay, kumapit para sa aking anak. At kinalaunan ay nakakilala ng lalaki na siyang aking nobyo at pakakasalan ngayong Mayo.

“Mahal niya ako at tanggap ang aking anak. Ngunit, habang nag aasiko, plano at ngayong papalapit na aming kasal lalong tumitindi ang pag atake ng aking sakit (PTSD) naiiyak ako, natatakot, nanlulumo at tila pagod na pagod na sa ganitong pakiramdam.

“Nais ko lamang mabuhay ng maligaya kasama ang aking anak at mahal. Ngunit takot na takot ako ngayon na baka maulit ang nakaraan. Na baka muli ako ay maiwang nag iisa,” pagbabahagi pa niya.

Ang labis daw niyang ikinababahala ngayon ay baka mawala rin sa kanya ang fiancé at anak, “Hindi itong mawala sa aking isipan kahit pa anong gawin kong pagwawaksi.

“Ang sabi ng aking doktor, ito ay bunga ng isang traumang kailanman ay hindi na mawawala sa akin. Ang kailangan ko lamang gawin ay mabuhay kaakibat ng ganitong bigat hanggang sa ako ay unti unting masanay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ngunit hanggang kailan ko dapat ito tiisin? Hanggang kailan ako mabubuhay sa takot? Gusto ko ng peace of mind,” ang sabi pa ng future bride.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending