Angelica babu na sa pagiging Patron Saint of Broken Hearted

Angelica sa Patron Saint of Broken Hearted title: Sino gusto ng korona?

Ervin Santiago |April 28,2024
facebook
share this

Angelica sa Patron Saint of Broken Hearted title: Sino gusto ng korona?

Ervin Santiago - April 28, 2024 - 08:04 AM

Angelica sa Patron Saint of Broken Hearted title: Sino gusto ng korona?

Angelica Panganiban, Gregg Homan at Baby Bean

KATAPUSAN na ng “sad girl era” ni Angelica Panganiban ngayong nahanap na niya ang lalaking gusto niyang makasama forever.

Yan ay walang iba kundi ang asawa niyang si Gregg Homan at tatay ng kanyang anak na si Amila Sabine o mas kilala bilang si Baby Bean.

Until now ay ramdam na ramdam pa rin ni Angelica ang sobrang kaligayahan matapos ang second wedding nila ni Gregg na ginanap sa isla ng Siargao last April 20.

Baka Bet Mo: Regine Velasquez aminadong tapos na ang kanyang era bilang sikat na singer: It’s no longer my time

Dinaluhan ito ng kani-kanilang pamilya at malalapit na kaibigan in and out of showbiz, kabilang na ang mga BFF niyang celebrities na sina Kim Chiu, Bela Padilla, Glaiza de Castro, Judy Ann Santos at marami pang iba.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa kanyang Instagram account, muling pinasalamatan ng Kapamilya star ang kanyang asawang si Gregg na nagbigay ng kulay at mas malalim na kahulugan sa kanyang buhay.

Dito, ibinandera nga niya na tinapos na ni Gregg ang kanyang “sad girl era” dahil sa sobrang kaligayahang nararamdaman niya ngayon.

“Ito na ang tamang pagkakataon para magpasalamat tayong lahat kay Gregg! Tinapos niya ang sad girl era ko (laughing with tears of joy emoji),” sey ng aktres sa kanyang IG post kalakip ang mga litrato ni Gregg.

Babu na rin daw siya sa pagiging “Patron Saint of Broken Hearted”, ang titulong ibinigay sa kanya ng mga netizens dahil nga sa mga pinagdaanan niyang challenges sa pakikipagrelasyon bago dumating sa buhay niya si Gregg.

Baka Bet Mo: Gregg Homan pinilit ni Angelica na magsayaw sa TikTok, hindi nagpatinag: I love you but no

Post pa ni Angelica, “Ang patron saint ng mga broken hearted (broken heart emoji) now officially signing off (victory hand emoji).”

Hirit pa niya sa kanyang social media followers, “Sino gusto sumalo ng korona?”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Nauna rito, nagbahagi rin siya ng appreciation post para sa kanyang inang si Annabelle Panganiban, “Mama, alam ko kung gaano ka kasaya. Nauwi ako sa tamang tao.

“Madalas tayo mag biruan, sinasabi mo na alagaan ko si gregg at UMAYOS AKO (winking face emoji) ang sagot ko naman, maaa, dead na dead yan sakin (face with tears of joy emoji).

“Pero ang totoo, hindi ako magiging sapat na mama ni bean ngayon at may bahay ni gregg kung hindi mo ko napalaki ng tama.

“Lahat ng meron ako ngayon ay pasasalamat ko sayo.

“Ikaw ang kayamanan ko na kaya kong ipagmalaki kahit kanino dahil ang lahat ng aral na napulot ko sayo ang ipapamana ko sa pamilya ko.

“Hindi ako perpekto at ideal na anak. Matigas ang ulo ko at madalas nilalaban ko ang mga gusto kong subukan.

“Pero hindi mo ko pinigilan o sadyang wala ka na lang nagawa.

“Salamat at hinayaan mo kong subukin ang lahat para sa ikakatapang ko. Mahal kita ma. (heart emoji),” ang buong mensahe ni Angge sa kanyang ina.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bago ang kanilang beach wedding sa Siargao, unang nagpakasal sina Angelica at Gregg sa Los Angeles, California, USA, noong December 31, 2023.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending