Regine Velasquez aminadong tapos na ang kanyang era bilang sikat na singer: It’s no longer my time | Bandera

Regine Velasquez aminadong tapos na ang kanyang era bilang sikat na singer: It’s no longer my time

Therese Arceo |July 22,2022
facebook
share this

Regine Velasquez aminadong tapos na ang kanyang era bilang sikat na singer: It’s no longer my time

Therese Arceo - July 22, 2022 - 02:31 PM

Regine Velasquez aminadong tapos na ang kanyang era bilang sikat na singer: It’s no longer my time
MALUWAG sa loob na tinanggap ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez na tapos na ang kanyang era bilang isa sa mga tanyag na singer sa industriya.

Ito ay inamin niya sa YouTube vlog ng make up artist na si Celeste Tuviera na uploaded noong July 16, 2022.

“I realized, I know kasi kung nasaan na ako ngayon sa industriya ko. Obviously, it’s no longer my time,” saad ni Regine.

Malaki nga ang pasasalamat ng singer-actress dahil magpasahanggang ngayon ay may mga nagtitiwala pa rin sa kanya at nabibigyan pa rin siya ng trabaho.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid)

“But I’m still here and I’m still making raket. I’m still doing concerts and all that.But I’m very aware that it’s no longer my time, kasi we all are given naman our own time in the industry and in life in general,” pagpapatuloy ni Regine.

Aniya, bonus na raw para sa kanya na nagiging mentor siya ng mga nakababatang singers sa industriya at naituturo niya ang mga kaalaman niya bilang mang-aawit.

“So, natutuwa ako na nandito ako ngayon to mentor. And more than the fame right now, at this time of my life, I love that part because they listen to everything that I say. And they think they learn from me, and I hope they are,” sey pa ni Regine.

Aniya, bilang isa sa mga nakatatandang singers ay isa sa kanilang mga responsibilidad ay ang hasain at turuan ang mga bagong singers sa industriya.

“I believe that because I’ve experienced so many things, being in the business for 35 years or 36 years, I feel like it’s my duty also to pass it down, alam mo iyon, what I’ve learned… Otherwise, it will die with me. What is it there for?” lahad ni Regine.

Bukod pa rito, itinutuloy niya ang legacy ng kanyang amang si Gerry Velasquez sa pagme-mentor ng mga bagong henerasyon ng mga singers at wala na sa kanyang plano ang pakikipagkompetensya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by reginevalcasid (@reginevalcasid)

Ngunit marahil ay hindi na mawawala sa kanya na magmukhang nakikipagsabayan siya ngunit hindi naman daw talaga ito paraan ng pakikipag-contest sa iba.

Naibahagi rin niya na minsan nasabihan siya ni Ogie na para siyang naghahabol.

“The way [I] prerform daw parang lagi daw akong naghahabol, parang lagi daw akong may grit, kasi ganoon ako talaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“But sabi niya sa akin, meron lang akong pinipiling lugar, time, at instances when I do that.”

Related Chika:
Regine, Ogie, Gary, Vice, KathNiel sama-sama para sa ‘Kapamilya Forever’ music video

Regine sa pagiging ‘third party’ sa hiwalayang Ogie at Michelle: Hindi ko naman sinasadya…kung maibabalik ko lang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending