Ungkatan ng past, hirit ni Carmina: Ako mag-a-adjust sa GF?

Ungkatan ng past, hirit ni Carmina: Ano, ako mag-a-adjust sa girlfriend?

Ervin Santiago |April 16,2024
facebook
share this

Ungkatan ng past, hirit ni Carmina: Ano, ako mag-a-adjust sa girlfriend?

Ervin Santiago - April 16, 2024 - 10:00 AM

Ungkatan ng past, hirit ni Carmina: Ano, ako mag-a-adjust sa girlfriend?

Carmina Villarroel, Zoren Legaspi, Cassy at Mavy Legaspi

“UNGKATAN ng past” ang peg ng mga netizens sa pagtawag kay Carmina Villarroel bilang “overprotective” na nanay nina Cassy at Mavy Legaspi.

Usap-usapan kasi ngayon sa social media ang naging pahayag ni Carmina tungkol sa pakikipagrelasyon o lovelife ng kanyang mga anak.

Muling nagsulputan sa social media ang ilang video ng Kapuso TV host-actress kung saan nasabi nito na kapag hindi niya bet ang mga taong malapit sa kanyang mga anak ay talagang sinasabi niya nang personal.

Baka Bet Mo: Carmina Villarroel ibinuking ang real score sa pagitan nina Cassy at Darren

Isa na nga riyan ang naging statement niya sa podcast nilang apat nina Candy Pangilinan, Gelli de Belen, at Janice de Belen noong May 14, 2022 na“Wala Pa Kaming Title (Episode 2).

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Dito ay napag-usapan nila kung ano ang kanilang magiging reaksiyon sakaling magdala ang mga anak nila ng isang tao sa kanilang bahay (kabilang na ang dyowa) pero hindi nila type.

Sagot ni Mina, “Ako kasi whether friends, kapitbahay, or kaeskuwela, kasi very open kami eh, kilala ko mga kaibigan ng mga anak ko, so kapag may nakukuwento sila or may na-witness ako sinasabi ko right away, na hindi ko siya type, whether kaibigan or kapitbahay sinasabi ko na kaagad.

“Sa case ko na ganu’n, kapag sinasabi ko agad, hindi na ‘yan makakaulit sa bahay,” aniya.

Baka Bet Mo: Cassy Legaspi pangarap na maging tulad ng inang si Carmina Villarroel: I’ll always be your baby girl

Tanong sa kanya ni Gelli, “E, pa’no kung girlfriend na niya?”

“Hindi ko nga siya matatanggap,” mabilis na sagot ni Carmina sabay dialogue ng, “Ano, ako mag-a-adjust sa kanya, ako mag-a-adjust du’n sa girlfriend?”

“Pero may I just tell you, wala kang magagawa,” ang hirit naman ni Janice.

“Ayoko ng topic na ‘to! Bahala kayo sa buhay n’yo!” ang sey ni Carmina na ikinahagalpak nina Janice, Gelli at Candy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Lumabas ang lumang video na ito dahil nga si Carmina ang sinisisi ng ilang netizens kung bakit naghiwalay daw sina Mavy at Kyline Alcantara at ngayon nga ay ang pagkasira raw ng relasyon nina Cassy at Darren Espanto.

Inakusahan din ng mga netizens si Mina na masyado raw nakikialam sa personal life ng kanyang mga anak.

Kamakailan, hinamon ng netizens ang mag-inang Carmina at Cassy na pangalanan ang taong pinariringgan nila sa social media.

Halos magkasabay kasi na nag-post ng nakakaintrigang mensahe sa kani-kanilang social media accounts ang mag-ina kaya na-curious ang netizens kung para kanino ang kanilang Instagram post nitong nagdaang April 9.

Feeling ng kanilang IG followers ay may pinatututsadahan ang magnanay sa kanilang mga post at kanya-kanya ngang hula ang mga netizens kung sino ito.

Sey ni Carmina sa kanyang IG post, “Don’t expect the same in return.”

Ipinost naman ni Cassy ang screenshot ng hit song ng International singer na si Olivia Rodrigo na “Favorite Crime.” Narito ang bahagi ng lyrics ng kanta:

“Those things I did

“Just so I could call you mine

“The things you did

“Well, I hope I was your favorite crime

“You used me as an alibi

“I crossed my heart as you crossed the line

“And I defended you to all my friends.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang pagpo-post ng mag-ina ng mga nasabing cryptic message ay tumayming sa naging pahayag ni Darren na friends lang sila ni Cassy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending