Carmina Villarroel ibinuking ang real score sa pagitan nina Cassy at Darren Bandera

Carmina Villarroel ibinuking ang real score sa pagitan nina Cassy at Darren

Therese Arceo |September 02,2022
share this

Carmina Villarroel ibinuking ang real score sa pagitan nina Cassy at Darren

Therese Arceo - September 02, 2022 - 05:55 PM

Carmina Villarroel ibinuking ang real score sa pagitan nina Cassy at Darren

NAGSALITA na ang Kapuso actress na si Carmina Villarroel ukol sa tunay na estado ng relasyon ng kanyang anak na si Cassy Legaspi at Kapamilya singer na si Darren Espanto.

Sa nangyaring mediacon ng “Abot Kamay Na Pangarap” na bagong afternoon teleserye ng GMA Network ay natanong ang aktres kung solo flight nga ba ang dalawa nang magpunta sa beach.

Matatandaang nag-trending ang larawan ng selfie ni Darren kung saan makikita ang repleksyon ng anak ni Carmina sa shades na suot ng Kapamilya singer.

“May kasama naman sila. Kasi si Darren kaibigan nung kambal, e, hindi lang si Cassy,” pagsagot ng aktres.

Dagdag pa ni Carmina, “They’re very close to each other. Pati kay Mavy, parang isang grupo lang sila.”

Aniya, ang maganda raw kasi sa ugali ni Darren ay pumupunta ito sa kanilang bahay kaya kilala nila ito ng asawang si Zoren Legaspi.

Pahabol pa ni Carmina, “Mabait na bata si Darren. Very respectful.”

Nang tanungin naman siya kung may nangyari na nga bang ligawan sa pagitan nina Cassy at Darren ay agad naman itong tumanggi at sinabing magkaibigan lang talaga ang dalawa.

“Wala talaga! Marami ang hindi naniniwala, pero yun talaga yung totoo. Ayokong magsinungaling, di ba?” sey ni Carmina.

Pagpapatuloy niya, “Basta yung alam ko lang, they’re very, very close. They’re like best of friends.”

Chika pa ni Carmina, madalas magkasama ang dalawa sa tuwing may mga events silang pupuntahan.

“They hang out together, and doon masaya na ako. Kasi alam mong safe sila sa isa’t isa. Kasi magkabarkada sila,” lahad pa niya.

Pero kung may hihigit man daw sa pagkakaibigan ng dalawa ay ayaw muna ni Carmina.

“So, kung hihigit pa dun, ayoko muna, huwag nating pangunahan. Basta ang sa ngayon, maligaya sila sa ganung set-up,” sabi ng aktres.

Sey pa ni Carmina, alam naman daw ng anak kung ano ang kanyang priority.

“At saka si Cassy kasi, palaging sinasabi sa akin na wala sa isip niya yung love life-love life.

“Kasi talagang gusto niya mag-concentrate sa pag-aaral niya at saka dito sa kanyang career,” sabi ni Carmina.

Related Chika:
Darren Espanto binisita si Cassy noong Halloween

Carmina sa kambal na anak: Di ko sinasabing maging perfect kayo, pero alam n’yo na siguro kung ano ang right and wrong

Darren: Kami po ni Cassy we are very close, alam namin ang lahat ng tungkol sa isa’t isa…

Carmina Villarroel boto ba kina Darren at Kyline para kina Cassy at Mavy?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending