Darren: Kami po ni Cassy we are very close, alam namin ang lahat ng tungkol sa isa't isa... | Bandera

Darren: Kami po ni Cassy we are very close, alam namin ang lahat ng tungkol sa isa’t isa…

Ervin Santiago |August 11,2022
facebook
share this

Darren: Kami po ni Cassy we are very close, alam namin ang lahat ng tungkol sa isa’t isa…

Ervin Santiago - August 11, 2022 - 07:29 AM

Darren Espanto at Cassy Legaspi

NANINIWALA ang ilang fans nina Darren Espanto at Cassy Legaspi na may “something” nang namamagitan sa dalawa kahit hindi pa umaamin ang mga ito.

Base raw kasi sa kanilang tinginan at body language kapag magkasama, very obvious daw na like nila ang isa’t isa.
Sa nakaraang episode ng “Magandang Buhay”, natanong nga si Darren tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Cassy at kung payag ba siyang makasama ang dalaga sa isang project pagdating ng panahon.

Sey ng binata, gustung-gusto raw talaga nila ng Kapuso actress-TV host na magkaroon ng bonggang collaboration in the future at kapag dumating daw ang araw na yun, talagang ituturing nila itong biggest blessing.

“Kami ni Cass we want to make a project kahit like kaming dalawa lang. Sa YouTube or something,” sey pa ni Darren.

At sa isang bahagi nga ng programa, diretsahan nang inusisa ang binata kung ano na ba talaga ang status ng relationship nila ng dalagang anak nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.

Ito ang tugon ni Darren, “Kami po ni Cassy, we are very close. Best friends po kami so lahat talaga alam namin tungkol sa isa’t isa.

“At pati ang families namin ay parang sanay na parati kaming magkasama or lumalabas. Pero we aren’t taking anything serious din naman na masyado,” paliwanag pa niya.

View this post on Instagram

A post shared by Darren Espanto (@darrenespanto)


Nito lang nagdaang buwan, kinilig ang fans ng dalawang youngstars nang mag-post ng video sa Instagram ang tatay ni Cassy na si Zoren kung saan makikitang may lalaking kasama ang dalaga habang kumakain sa kanilang dining room.

Ang hula ng mga netizens, si Darren nga ang bisita ni Cassy. Tanging laughing emojis lamang ang isinagot ng rumored couple sa pakilig IG video ni Zoren.

In fairness, mukhang botong-boto naman ang pamilya ni Cassy kay Darren at pati ang kani-kanilang fans ay aprub sakaling maging magdyowa nga sila kaya siguradong wala nang magiging problema.

Darren dedma sa nangnega sa mga pa-yummy birthday photo: Yung iba kasi mema lang!

Darren Espanto binisita si Cassy noong Halloween

Darren harapang kinausap ni Erik: Parang nababastos siya, hindi kasi ako friendly sa kanya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending