Carmina sa kambal na anak: Di ko sinasabing maging perfect kayo, pero alam n'yo na siguro kung ano ang right and wrong | Bandera

Carmina sa kambal na anak: Di ko sinasabing maging perfect kayo, pero alam n’yo na siguro kung ano ang right and wrong

Ervin Santiago |May 18,2022
facebook
share this

Carmina sa kambal na anak: Di ko sinasabing maging perfect kayo, pero alam n’yo na siguro kung ano ang right and wrong

Ervin Santiago - May 18, 2022 - 12:46 PM

Mavy Legaspi, Carmina Villarroel at Cassy Legaspi

JUDGMENTAL bang nanay si Carmina Villarroel pagdating sa mga kaibigan at sa mga taong napapalapit sa kanyang mga anak na sina Mavy at Cassy Legaspi?

Siya ba yung tipong agad-agad na pagbabawalan ang kambal na anak na makipaglapit kapag may naramdaman o nakita siyang sablay sa mga taong nakakasama ng mga ito?

Isa ang topic na ito sa napag-usapan ng magkakaibigan na Carmina, Candy Pangilinan, Gelli at Janice De Belen sa latest episode ng kanilang podcast na “Wala Pa Kaming Title”.

Ayon sa misis ni Zoren Legaspi, mahalagang nagkakausap sila nina  Mavy at Cassy tungkol sa mga personal nilang buhay. Naniniwala siya na open communication ang sikreto para mapanatiling maayos ang relasyon ng bawat miyembro ng pamilya.

“Ako kasi, whether pang-friends, pangkapitbahay, kaeskwela, very open kami e. Kilala ko ‘yung mga kaibigan ng mga anak ko.

“So kapag nagkukuwento sila or may nakita ako or na-witness ako, sinasabi ko right away. Na hindi ko siya type, kasi ganito. Whether kaibigan or kapitbahay sinasabi ko agad,” paliwanag ng TV host-actress.

At kapag dumating daw ang araw na may ipakikilala na ang mga anak niya na special someone at hindi niya feel ang ugali at personalidad nito, kakausapin din niya nang masinsinan ang mga ito.

“Sasabihin ko sa anak ko na parang may off, parang may off lang, I don’t want to judge,” aniya. Pero nilinaw ji Mina na sa kabila nito, bibigyan pa rin daw niya ng chance ang mga ito para mas makilala niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel)


Pagpapatuloy pa ng aktres, “It’s really important din to have a close relationship with your kids. Kung paano mo sila pinalaki, ‘yun ‘yung makukuha nila na kind of friends or girlfriend.

“More or less feeling ko, this is my case ha, sa friends wala akong problema. Siguro nga dahil sa pagpapalaki namin, or sa guidance, or sa constant communication namin ‘yung mga dapat iwasan.

“Kasi you can choose your friends. You can’t choose your family, but you can choose your friends. Parang siguro bago pa umabot sa gano’n. ‘yung foundation muna.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi ko sinasabing maging perfect kayo, pero alam n’yo naman siguro kung ano ang right and wrong,” diin pa ng celebrity mom.

Carmina ‘best blessing’ para kina Mavy at Cassy: A mother’s love is a different kind of love…

Bakit nag-‘yes’ agad si Carmina sa unang suspense-serye ng GMA 7 na ‘Widow’s Web’?

May mga bobo moments din ako habang heartbroken, nakakahiya! – Bela Padilla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending