Darren Espanto binisita si Cassy noong Halloween | Bandera

Darren Espanto binisita si Cassy noong Halloween

Therese Arceo |November 03,2021
facebook
share this

Darren Espanto binisita si Cassy noong Halloween

Therese Arceo - November 03, 2021 - 06:00 PM

 Darren Espanto binisita si Cassy noong Halloween
GRABE ang kilig na nararamdaman ng mga fans nina Darren Espanto at Cassy Legaspi nang makita silang magkasama noong Halloween.

Bukod pa rito may post pa si Darren sa kanyang Instagram ng video nila ni Cassy habang nagsasayaw sila ng “She Knows”.

Makikitang nakasuot ng Halloween costume si Darren bilang si Officer Hwang Jun-Ho mula sa sikat na Netflix series na “Squid Game”.

Dito nga ay inamin ni Cassy na nasa kanilang bahay si Darren.

“Yung naging studio bahay ko tas naging photographer pa ako… saan po bayad ko?” comment ni Cassy.

Nag-reply naman si Darren sa comment ng dalaga at sinabing quits lang sila ni Cassy.

“Yung naging videographer at art dep pa ako pero wala namang binabayad. Ang hirap pa kunan nung subject kasi sayaw ng sayaw ng ‘Lalisa’,” balik-sagot ni Darren.

Umani rin naman ang dalawa sa pang-aasar mula sa kanilang mga kaibigan at isa na nga rito ang TV host na si Robi Domingo.

“Aha! Kaya pala nagmamadaling umuwi,” saad ni Robi.

Bago kasi pumunta si Darren kina Cassy ay nanggaling ito kila Robi dahil sa kanilang naging dance video shoot ng “Squid Game”.

Napa-comment rin ang kapatid ni Darren na si Lynelle sa pang-aasar sa kanilang dalawa.

“You all know what I’m gonna say,” saad ni Lynelle. Tinadtad pa nito ng green and yellow hearts na signature color nina Darren at Cassy.

Pero syempre hindi rin papatalo ang kapatid at kakambal ni Cassy na si Mavy sa pang-aasar sa dalawa.

“WOW! BEST FRIENDS!” all caps na hirit ni Mavy.

Natatandaang noon pa man ay iniintriga na ang dalawa kung may espesyal bang namanagitan sa dalawa na parehas naman nilang itinanggi.

Ngunit kahit na malapit na magkaibigan lamang ang dalawa ay talaga namang lubos ang pasasalamat nila sa mga taong patuloy na sumusuporta sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Darren harapang kinausap ni Erik: Parang nababastos siya, hindi kasi ako friendly sa kanya
Carmina boto ba kina Darren at Kyline para kina Cassy at Mavy?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending