Darren harapang kinausap ni Erik: Parang nababastos siya, hindi kasi ako friendly sa kanya | Bandera

Darren harapang kinausap ni Erik: Parang nababastos siya, hindi kasi ako friendly sa kanya

Ervin Santiago |October 18,2021
facebook
share this

Darren harapang kinausap ni Erik: Parang nababastos siya, hindi kasi ako friendly sa kanya

Ervin Santiago - October 18, 2021 - 08:58 AM

Erik Santos at Darren Espanto

“BAKIT ka ganu’n sa akin? Alam mo, mabait naman ako!” 

Iyan ang naging hirit ng Kapamilya singer na si Erik Santos nang kausapin si Darren Espanto tungkong sa “pangdededma” nito sa kanya.

Bago pala naging malapit na magkaibigan ang dalawang singer ay may naging “issue” pala sa pagitan nila noon dahil hindi raw pinapansin ni Darren si Erik kapag nagkikita sila sa ABS-CBN.

Last Friday, nag-celebrate si Erik sa “Magandang Buhay” ng kanyang kaarawan at isa nga si Darren sa mga kaibigang bumati sa kanya. Dito rin nilinaw ng young singer-actor kung bakit hindi niya binabati noon ang Prince of Pop.

Pag-amin ni Darren, nahihiya at talagang nai-intimidate raw siya kay Erik na una niyang nakasama noong lumalaban pa siya sa reality singing show ng ABS-CBN na “The Voice Kids.”

“Ako po as a person I’m very shy and I’m really an introvert. Hindi po ako ma-hi. Kaya a lot of people think na medyo snob, ako suplado. Medyo ganoon din po siya sa akin noon. 

“So imagine n’yo po ang kaba ko na nandiyan ang iniidolo n’yo. So akala ko talaga suplado siya so hindi ako talaga nagha-hi sa kanya masyado kahit sa ‘ASAP,'” simulang pagbabahagi ni Darren.

At knows n’yo ba na nag-start silang maging close sa isa’t isa taong 2018 nang magkausap sila sa ABS-CBN Ball.

“Noong after-party, talagang nilapitan ako ni Kuya Erik, sabi niya ‘Darren, isa ka sa mga young singer na talagang I admire.’ Parang nababastos siya na parang hindi ako kasi friendly sa kanya as the other artists. 

“Kasi, like for example, si Ate Sarah (Geronimo), naging coach ko sa show, so siyempre mas kausap ko po sa ‘ASAP’ na mga ka-age niya, sina Ate Sarah, ganu’n po. Siya hindi. So kahit magka-prod kami sobrang nai-intimidate ako.

“Yun nga sinabi niya sa akin sa ABS-CBN Ball ‘Bakit ka ganu’n sa akin? Alam mo mabait naman ako.’ ‘Yun po talaga. So talagang after that I was like, okay. 

“Like we had the same thoughts about each other na parehas kaming intimidate or parang suplado but after that okay naman po, nag-uusap na po kami at mas naging okay na kami sa ‘ASAP’ when we would have prods together and stuff like that,” tuluy-tuloy na pahayag ng binata.

Pagbabalik-tanaw naman ni Erik, “Pero kasi medyo nakainom ako nung ABS-CBN Ball kaya medyo may lakas ako ng loob.”

Bukod sa idol niya si Erik bilang singer at performer, saludo rin siya sa Prince of Pop dahil sa pagmamahal nito sa kanyang pamilya.

Ilan naman sa birthday wish ni Darren para kay Erik ay ang patuloy na pagdating ng blessings sa buhay niya at personal na kaligayahan.

Bukod kay Darren, bumati rin nang personal kay Erik ang kapatid nitong si Hadiya na game na game pang nakipag-duet sa kanyang kuya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasunod nito, inulan naman ng tukso sina Darren at Hadiya mula sa mga host ng programa. Ipinakilala ni Erik ang kapatid sa kaibigang singer sabay sabing, “O sige kapag kay Darren, hindi ako magiging masyadong istrikto.” 

Darren dedma sa nangnega sa mga pa-yummy birthday photo: Yung iba kasi mema lang!

Darren nagbigay-pugay sa mga fans: Dahil sa inyo, naka-survive ako…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending