P-pop group Eleven11 hindi nakikipaglaban sa BINI; umamin tungkol sa SB19

Eleven 11
IN FAIRNESS, mukhang promising at may future sa entertainment industry ang bagong all-female P-Pop group na Eleven11.
Ipinakilala sa members ng entertainment press ang naturang grupo sa matagumpay na BARAKO Festival 2025 sa Lipa City, Batangas last week.
Ang Eleven11 ay mina-manage ng House of Mentorque na pag-aari ng matagumpay na film producer at businessman na si Bryan Diamante.
Isa-isa naming nakilala at sandaling nachika ang anim na member ng grupo na kinabibilangan nina Swaggy, Jade, Ivy, CJ, Barbie at Audrey.
Baka Bet Mo: SexBomb Jopay Paguia kilig na kilig kapag naririnig ang kuwento sa likod ng Mayonnaise song na ‘Jopay’
Unang nagkasama-sama ang Eleven11 sa dating noontime show ng GMA 7 na “Tahanang Pinakamasaya” (pumalit sa Eat Bulaga) at sumabak din daw sila sa audition bago nabuo.
Nagpasampol ang grupo sa harap ng media at winner din ang kanilang boses bukod pa sa matatalinong sumagot. Ipinagmalaki rin nila ang strength ng bawat miyembro pagdating sa singing, dancing at acting.
View this post on Instagram
Isa sa advocacy ng Eleven11 ay ang pagsuporta sa women empowerment at positivity sa lahat ng aspeto ng buhay.
“We are embracing our authenticity. May kanya-kanya po kaming strength which is a good thing,” ayon kay Ivy nang tanungin kung ano ang kaibahan nila sa ibang P-pop groups.
“Others are so good in singing, others are so good in dancing, others are so good in rapping. I think this is what makes us unique as a group,” sey pa ni Ivy.
Dagdag naman ni CJ noting, naiiba rin daw ang kanilang fashion style na siyang magpapakilala sa kanilang personalidad.
Sa tanong kung kaya na ba nilang tapatan ang Nation’s Girl Group na BINI, si CJ ang unang sumagot, “Actually, we’re not here to compete po. We’re here for P-pop and we’re just here for our individuality.”
Sinu-sino naman ang gusto nilang maka-collab in the future? Sabay-sabay na sagot ng mga girls, “Si Miss Sarah G (Sarah Geronimo)!” tugon ng Eleven 11.
“Grabe po kasi siyang mag-perform sa stage,” anila. Sana raw ay mabigyan sila ng chance na makasama sa kanilang future projects ang Popstar Royalty pati na ang iba pang music icons.
At sa question kung sino ang kanilang showbiz crush, nabanggit ng mga girls ang name nina SB19 Ken, Stell, Felip, Pablo at Justin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.