SexBomb Jopay Paguia kilig na kilig kapag naririnig ang kuwento sa likod ng Mayonnaise song na 'Jopay' | Bandera

SexBomb Jopay Paguia kilig na kilig kapag naririnig ang kuwento sa likod ng Mayonnaise song na ‘Jopay’

Ervin Santiago |April 06,2023
facebook
share this

SexBomb Jopay Paguia kilig na kilig kapag naririnig ang kuwento sa likod ng Mayonnaise song na ‘Jopay’

Ervin Santiago - April 06, 2023 - 07:37 AM

SexBomb Jopay Paguia kilig na kilig kapag naririnig ang kuwento sa likod ng Mayonnaise song na 'Jopay'

Mayonnaise at Jopay Paguia

“MAY forever!” Yan ang gustong ipagsigawan ng isa sa mga original member ng iconic all-female group na Sexbomb Dancers na si Jopay Paguia.

Yes, yes, yes mga ka-Marites! Kung marami ang naniniwala na wala talagang panghabangbuhay pagdating sa usaping love, maninindigan si Jopay na pang-forever na nga ang kanta ng grupong  Mayonnaise na “Jopay”.

Ang naturang OPM song na bigla uling sumikat ngayon nang bonggang-bongga ay isinulat talaga ng Mayonnaise para kay Jopay.

Ini-release ito noong 2004 at muli ngang naging instant favorite ng madlang pipol dahil sa isang viral post kung saan iniba ng lalaking tampok sa video ang tono ng kanta.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jopay Paguia-zamora (@jopaypaguiazamora)


Ayon kay Jopay, hanggang ngayon ay kinikilig pa rin siya kapag napapakinggan ang “Jopay” at mas lalo pa siyang namamangha kapag naririnig ang kuwento sa likod ng kanta.

Baka Bet Mo: SexBomb Aira balak manirahan sa Australia, handa nang iwan ang showbiz?

Sa interview ng “Fast Talk with Boy Abunda” ibang klase yung feeling na nararamdaman niya kapag naikukuwento ng Mayonnaise na talagang para sa kanya ang “Jopay.”

“Yes! Kinikilig ako. Ang kwento niya, napanood niya lang ako tapos gusto niya ako gawan ng kanta,” chika ni Jopay.

Ayon mismo sa member ng grupo na si Monty Macalinao, pagkatapos niyang mapanood ang misis ng actor-dancer na si Joshua Zamora ay naisip niya agad na gawan ito ng kanta.

“For me, napaka-wholesome ng song. Napaka-catchy niya. ‘Yung line na ‘hindi tayo mag-aaway’ na pwede mo siya sabihin sa may mga karelasyon na, ‘sana all,’” ang chika pa ng miyembro ng SexBomb Girls.

Chika pa ni Jopay, kahit matagal nang naisulat at nai-release ang kanta ay last month lang siya nabigyan ng chance na ma-meet nang personal ang mga miyembro ng Mayonnaise.

Ito’y naganap nang mag-guest siya sa 20th anniversary concert ng Mayonnaise sa Lucena, Quezon. Ayon kay Jopay, habangbuhay niyang ite-teasure ang unang pagkakataon ng kanilang makasaysayang pagkikita.

Jopay Paguia, Joshua Zamora 2 beses naghiwalay bago nagpakasal, humingi ng sign kay Lord kung dapat magbalikan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Lalaking ‘wanted’ kay SexBomb Dancer Sunshine Garcia lumantad na: ‘Thank you sa mga nag-tag sa akin’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending