Rodjun botong-boto kay Julie Anne para kay Rayver, sana pang-forever na: 'Grabe, naiyak talaga ako sa kanila!' | Bandera

Rodjun botong-boto kay Julie Anne para kay Rayver, sana pang-forever na: ‘Grabe, naiyak talaga ako sa kanila!’

Ervin Santiago |December 29,2022
facebook
share this

Rodjun botong-boto kay Julie Anne para kay Rayver, sana pang-forever na: ‘Grabe, naiyak talaga ako sa kanila!’

Ervin Santiago - December 29, 2022 - 07:04 AM

Rodjun botong-boto kay Julie Anne para kay Rayver: 'Grabe, naiyak talaga ako sa kanila!'

Rayver Cruz, Julie Anne San Jose at Rodjun Cruz

UMAASA ang Kapuso actor at dancer na si Rodjun Cruz na pang-forever na nga ang pagmamahalan ng kapatid niyang si Rayver Cruz at ng Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose.

Aminado si Rodjun na isa rin siya sa mga fans na natutuwa sa magandang relasyon nina Rayver at Julie Anne at sana nga raw ay patuloy na maging solid ang kanilang relationship.

“Sobrang happy ko talaga for Rayver and Julie,” pahayag ni Rodjun patungkol sa tambalang JulieVer sa panayam ng GMA 7.

Dagdag pang chika ng aktor, “Grabe sila kapag magkasama, sobrang talentado nila, ha!

“Nanood nga ako ng concert nila na ‘JulieVerse,’ as a kuya, grabe, naiyak ako kasi nagsa-shine siya nang sobra and nakikita ko na masaya silang dalawa,” lahad ni Rodjun.

Pagpapatuloy pa ng aktor, “Ang dami nilang nai-inspire. So, pinagdarasal ko silang dalawa dahil alam kong marami silang napapasayang tao.

“Lahat naman ng talent, galing ‘yan kay Lord. Basta magdasal lang silang dalawa. Napakasipag at mahal na mahal nila ang trabaho nila,” hirit pa niya.

In fairness, tuwang-tuwa nga ang kanilang supporters at social media followers kapag nakikita silang magkasama sa mga ipino-post nilang mga litrato at video sa social media.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JULIE ANNE SAN JOSE (@myjaps)


Nito ngang nagdaang Pasko ay nagpasabog muli ng kilig vibes ang Kapuso couple sa socmed kaya naman tuwang-tuwa ang kanilang mga fans.

At sa tanong kung boto ba si Rodjun kay Julie Anne para sa kanyang utol na si Rayver, isang mabilis na “Oo naman!” ang sagot nito.

“Kasi si Julie kilala ko na ‘yan dati pa lang, ilang years na rin naman ako sa GMA, ang dami niyang kayang gawin, sobrang talented, pero sobrang humble.

“Kasi, minsan yung iba ito lang ang talent pero sobrang yabang na. Ito, sobrang humble.

“Parang ikaw pa ang mahihiya na magyabang sa kanila kasi sobrang galing nila. At saka sobrang galing niya makisama,” paliwanag pa ni Rodjun sa panayam ng GMA.

Sa palagay ba ni Rodjun magkakatuluyan na hanggang sa huli sina Rayver at Julie Anne?

Sagot niya, “Praying ako kasi si Rayver sobrang mabuting bata and si Julie ay sobrang buti rin. Baka si Lord talaga ang naglaan para sa kanila dalawa, sila talaga ang nakatadhana para sa isa’t isa.”

At pagdating naman daw sa pagpapakasal ng kapatid, sabi ni Rodjun, “Siguro in God’s time ‘yan. Hindi mo mapaplano yung buhay na ito next year, ito this year. And siyempre, nasa edad na siya para magdesisyon para sa sarili niya.”

Rodjun Cruz: Wow! Grabe ka Lord, answered prayer na naman ‘to!

Rayver nilaglag nina Rodjun, Geneva at Sunshine, binigyan ng ‘warning’ si Julie Anne

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jo Berry pag-aagawan nina Rodjun at Juancho sa ‘Little Princess’, pero kanino siya posibleng ma-attract?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending