Rodjun Cruz: Wow! Grabe ka Lord, answered prayer na naman 'to! | Bandera

Rodjun Cruz: Wow! Grabe ka Lord, answered prayer na naman ‘to!

Ervin Santiago |November 08,2021
facebook
share this

Rodjun Cruz: Wow! Grabe ka Lord, answered prayer na naman ‘to!

Ervin Santiago - November 08, 2021 - 09:51 AM

Rodjun Cruz at John Vic de Guzman

FEELING thankful and grateful naman ang multitalented Kapuso actor, performer at businessman na si Rodjun Cruz matapos mag-renew ng kontrata sa GMA Artist Center yesterday.

Walong taon na ring Kapuso ang kapatid ni Rayver Cruz, “I’m very thankful to GMA for the opportunity and for always putting their trust in me. Nandito pa rin ako kasi mas lalo ko na-showcase ‘yung talents ko and mas madami akong natutunan sa kanila. 

“Kasi sila yung nagbibigay sa akin ng iba’t-ibang roles na dito ko lang din ginawa sa GMA. Mas lumalakas ‘yung loob ko, mas nahahasa ako as an actor, at the same time, nakakapag-perform ako kasi love ko rin talaga ang mag-perform,” pahayag ni Rodjun.

Aniya pa, “Nu’ng nag-start ako sa Kapuso Network, first time ko mag-trending ng ganoon sa ‘My Husband’s Lover.’ Noong nag-guest ako doon, grabe ang daming nag-message.

“Pinag-usapan talaga siya. ‘Yun yung una dahil first time ko talaga ma-experience ‘yun sa buhay ko kahit saan magpunta pinag-uusapan talaga. 

“Tapos, dream ko rin kasi magkaroon ng action na palabas so first time ko rin naranasan ‘yun na may power pa, noong ginawa ko ‘yung role as Paopao sa Encantadia. 

“And siyempre, ‘yung Legally Blind. Nakaka-proud din ‘yung moments na magkasama kami ni Rayver sa isang stage at nagpe-perform,” sabi pa ng aktor.

Makakasama si Rodjun sa upcoming GMA series na “Little Princess” kasama sina Jo Berry at Juancho Trivino.

“Hindi ma-contain ‘yung happiness ko. Very grateful ako kasi pinag-pray ko ‘yan kay Lord. Sabi ko, ‘Lord, sana po bigyan Niyo pa po ako ng pagkakataon, bigyan Niyo po ako ng show na magagawa ko po ‘yung gusto ko, na mapapakita ko po yung talento ko at makaka-inspire ako ng maraming tao.’ 

“So noong tinawag nila sa akin ‘yung (Little Princess), sabi ko ‘Wow, grabe ka Lord, answered prayer na naman to! Naniniwala din kasi ako na birthday gift sa akin ‘to ni Lord kasi nag-birthday ako noong October,” lahad pa ng aktor at dancer.

View this post on Instagram

A post shared by Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz)


* * *

Super flattered naman ang isa pang Kapuso star na si John Vic de Guzman sa ibinigay na titulo sa kanya ng fans bilang Kapuso hottie athlete.

Bukod sa pagiging team captain ng Men’s National Volleyball Team, naghahanda na rin si John Vic para sa Sea Games sa susunod na taon.

At sa larangan naman ng pag-arte, nagpe-prepare na rin ang binata para sa upcoming roles at acting projects niya sa GMA matapos mag-renew ng kanyang kontrata.

“As a Kapuso, mafi-feel mo na hindi ka lang basta co-artist, naging family ka na rin sa kanila,” pahayag ni John Vic.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kung magkakaroon ako ng chance na magkaroon ng leading lady, pipiliin ko si Sanya Lopez. Isa pa si Anna Vicente,” dagdag pang chika ng binata.

Rayver, Rodjun patuloy na ginagabayan ng namayapang ina: Siya ang angel namin!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending