Rayver hindi epal na dyowa kay Julie Anne: Wala ako sa posisyon
KAHIT siya ang boyfriend, never nakialam o diniktahan ni Rayver Cruz ang dyowang si Julie Anne San Jose sa mga desisyon nito sa kanyang showbiz career.
Tulad na lang sa pagtanggap ng Kapuso actress at tinaguriang Limitless Star sa pagiging 2025 calendar girl para sa isang sikat na liquor brand.
Paglalarawan pa ni Julie sa kanyang sarili bilang calendar girl, “Stronger, bolder and more confident in her own skin.”
“Ako, sobrang saya, sobrang thrilled, sobrang honored. I’m very, very happy. Thank you guys so much for the trust, and you know to represent a brand that has support with incredible and exceptional women is truly an honor.
Baka Bet Mo: Rayver pinayuhang kasuhan ang tumawag sa kanya ng ‘sabog’, ‘lasing’
“And you know, sobrang na-amaze din ako personally. Parang, wow, ako?! Parang hindi ako makapaniwala. Ako ba yun?! Ha-hahaha!
“It’s amazing to see the final outcome and how everything came together, you know. Talagang team effort lahat. Collective effort.
View this post on Instagram
“And I’m so, so thankful sa entire team who pushed me to do my best, who supported me and made me feel comfortable and confident throughout the process. So it’s such a huge honor!” ani Julie Anne.
Sa isang panayan naman ay natanong nga si Rayver kung humingi sa kanya ang girlfriend bago gawin ang kalendaryo.
“Hindi ako mahigpit sa ganoon and for me, wala ako sa posisyon na pagbawalan siya ng kahit ano. I mean, it’s her decision and tama naman,” pahayag ni Rayver.
In fairness, bumilib sa Kapuso actor at TV host ang mga fans ni Julie Anne dahil sa pagiging understanding at supportive boyfriend nito.
“Lahat ng blessing na dumarating sa kanya, deserve niya lahat ‘yun. Naka-support lang ako,” sey pa ng aktor na napapanood pa rin sa hit Kapuso serye na “Asawa ng Asawa Ko”, Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Prime.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.