Rayver pinayuhang kasuhan ang tumawag sa kanya ng 'sabog'

Rayver pinayuhang kasuhan ang tumawag sa kanya ng ‘sabog’, ‘lasing’

Ervin Santiago - March 17, 2024 - 01:13 PM

Rayver pinayuhang kasuhan ang tumawag sa kanya ng 'sabog', 'lasing'

Rayver Cruz at Julie Anne San Jose

IBA’T IBA ang reaksyon ng mga netizens sa viral video ni Rayver Cruz sa social media kung saan maraming na-offend sa ginawa niya kay Julie Anne San Jose.

Ito yung naganap na live streaming ng Kapuso celebrity couple na pinagpipiyestahan nga ngayon ng mga bashers at haters.

May mga nagalit at naimbiyerna sa Kapuso actor at TV host dahil parang wala raw ito sa sarili sa sobrang hyper habang nakikipagchikahan sa kanilang mga fans. Pero meron ding nagtanggol sa kanya at pinayuhang magdemanda.

Baka Bet Mo: Promise ni Rayver Cruz: ‘Malapit na…I will marry Julie Anne San Jose’

Nag-ugat ito sa ibinahaging mga video clip ng isang X (dating Twitter) user na kuha sa naturang live stream. Mapapanood dito sina Rayver at Julie Anne na nagkukulitan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JULIE ANNE SAN JOSE (@myjaps)


May mga na-bad trip nang tila binatukan pa raw ng binata si Julie Anne sa isang bahagi ng live stream. Kimuwestiyon din nila ang parang hindi normal na pagsagot ni Rayver sa mga tanong sa kanya.

Ang caption ng nag-upload ng video, “May pa drug test ba kayo @gmanetwork at @AllOutSundays7 bago mag prod or pumasok ang artists niyo? Mukhang nakalusot e.

“Ang lala ni rayver cruz, lasing ba siya or naka marijuana? Tamang laughtrip at kita na sabog e,” sabi pa nito.

Baka Bet Mo: Rayver, Julie Anne nag-collab sa TikTok video, netizens kinilig: Kayo na lang!

Nag-sorry na si Rayver sa lahat na nagalit sa kanya at ipinagtanggol na rin ni Julie Anne ang kanyang boyfriend mula sa malilisyoso at below the belt na mga comments.

“Minsan lang po ako sumagot sa mga ganto but sobra ka na po. Below the belt and harsh na po itong accusations, please stop (folded hands emoji),” pakiusap ni Julie Anne.

Ayon naman kay Rayver, “Sa mga na offend sa kilos ko kanina sa live stream namin, sorry. But I was just being myself. Playful and happy talaga ako. Lalo na when I’m with my love. She knows that, she knows me.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)


“I don’t usually speak up pero ibang usapan na ang accusations. Una, hinding hindi ko kayang saktan si Julie. My mom raised me right,” aniya pa.

Narito naman ang mga nabasa naming reaksyon mula sa mga X followers ni Rayver.

“Eh kuya para naman kasi talaga atsaka sobrang uncomfy ni ate @MyJaps sa kinikilos mo. just saying. peace.”

“Aksyunan niyo yung nagpapa kalat na naka drugs ka! Hindi na biro yun. Wag kayong masyadong mabait ni Julie kasi hindi naman sila mabait sa inyo. Dito lang kami para sa inyong dalawa ni Ja.”

“Hindi porket sanay na si julie sa ugali mo gagawin mo na, ilang beses ka nya sinuway but pinagpatuloy mo pa din pagiging childish mo. minsan kailangan mo din ilugar yang pagiging playful/childish mo lalo na nasa trabaho at on cam kayo, act your age bro.”

“Apology backfired. Kung mag so sorry ka kasi just say sorry dami mo pang kuda. Sasali ka ba sa essay writing contest?”

“Labyu Ray but please be careful na sa mga actions mo next time para di ka na mapahamak lalo na si Julie.”

“Napanuod mo ba? Okay ba sayo un? I like you both pero parang ang off ng galaw mo kanina.”

“Kung hindi nyo po matanggap ang Sorry at paliwanag niya wala na po siyang magagawa. Ang importante nagmamahalan silang dalawa at walang makakapag hiwalay sa kanila. Godbless po!”

“Minsan po kasi OA na din ang sweetness. Alam naman ng lahat na magjowa kayo pero minsan di naman na okay. Pwedeng casual lang sana. Lalo na AOS. Di na nakakakilig kasi. Subrang OA na tingnan po. Dapat discreet lang.”

“Yan na mga basher masyado kayong mapanghusga SA kapwa nio! Pinalki nio pa ung issue para lang mapansin kau! iba talaga pag di nio gusto Ang isang tao ay lagi nio nalang pinupuna lahat Ng kilos Ng mag jowa ! Respect nlang Po Tau.”

“Basic manners un eh. When someone is talking, listen! Hindi porket girlfriend mo siya, makakalimutan mo ng makinig. Kitang-kita sa mukha ni Julie na hindi siya natuwa sayo. Napaka professional ni Julie kahit kita sakanya na nainis siya sayo.”

“We know the real you, ray. and we love you for being YOU! dont mind those naysayers. kahit ano namang gawin at sabihin mo meron at meron pa din masasabi against you. Just stay as you are — genuine and authentic.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wait and see na lang tayo kung sasampahan ng kaso ng kampo ni Rayver ang mga nag-post ng mapanirang-puri na comment.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending