Rayver, Julie Anne nag-collab sa TikTok video, netizens kinilig: Kayo na lang! | Bandera

Rayver, Julie Anne nag-collab sa TikTok video, netizens kinilig: Kayo na lang!

Therese Arceo |March 16,2022
facebook
share this

Rayver, Julie Anne nag-collab sa TikTok video, netizens kinilig: Kayo na lang!

Therese Arceo - March 16, 2022 - 06:50 PM

Rayver, Julie Anne nag-collab sa TikTok video, netizens kinilig: Kayo na lang!
VIRAL ang TikTok videos ng Kapuso stars na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose.

Isang araw buhat nang i-upload ng aktor ang kanilang video ng TV host-actress ay agad naman itong humakot ng million views.

Kitang kita at talaga namang lutang na lutang ang chemistry nina Rayver at Julie Anne kaya naman hindi rin maiwasan ng mga netizens ang kiligin sa dalawa.

“Long time no tiktok lesgoooo!” saad ng aktor sa kanilang dance video ng kantang “As Long As You Love Me” ng Backstreet Boys.

Umani naman ng libo libong comments ang post ni Rayver.

“‘Yung pagtingin ni Rayver kay Julie sa bandang huli “as long as toy love me” na line,” saad ng isang netizen.

Sey naman ng isa, “Sana kung maging kayo man, sana kayo na forever. Deserve n’yo naman ang isa’t isa e.”

Maski ang kapatid ni Rayver na si Rodjun Cruz ay napa-“lessgo” sa kanilang video.

May isa pang video na in-upload ang aktor kung saan nagkakatuwaan lang sila ni Julie Anne.

 

@rayvercruzLast one last one haha!♬ DARARI – ︎ ondu

 

“Apaka cute niyo!!!!!!!!” comment ni Kyline Alcantara.

“Mas boto ako kay Julie para kay Rayver. Ramdam ko ang support at care nya kay Rayver. Sana talaga sila na ang end game,” sey naman ng isa pang netizen.

“Crush ko si Rayver pero magkamukha talaga sila. Hahaha. Best luck sa inyo. Sana kayo na lang,” saad pa ng isa.

Wala pa namang kumpirmasyon kung nag-level up na nga ba ang friendship nila ni Julie Anne pero ang sigurado ay masaya silang kasama ang isa’t isa.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bagama’t aminadong naka-move on na si Rayver sa ex-dyowang si Janine ay wala pa sa kanyang plano ang magkaroon ng ka-relasyon dahil ayon sa isang source ay next year pa niya bet marahil dahil na rin sa kanyang trabaho.

Pero mahirap magsalita ng tapos kaya antayin na lang natin kung mag-upgrade man ang kanilang friendship ni Julie Anne to relationship lalo na at talagang swak na swak ang chemistry nilang dalawa.

Related Chika:
Rayver next year daw balak magkadyowa, si Julie Anne na nga ba ang susunod na GF?
Julie Anne umaming super close sila ni Rayver, pero walang malisya: He’s such a good friend

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending