Rayver next year daw balak magkadyowa, si Julie Anne na nga ba ang susunod na GF? Bandera

Rayver next year daw balak magkadyowa, si Julie Anne na nga ba ang susunod na GF?

Reggee Bonoan |March 15,2022
share this

Rayver next year daw balak magkadyowa, si Julie Anne na nga ba ang susunod na GF?

Reggee Bonoan - March 15, 2022 - 03:31 PM
Julie Anne San Jose at Rayver Cruz

Julie Anne San Jose at Rayver Cruz

GRABE ang supporters at friends nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose dahil wala silang tigil sa pagpapa-viral ng photo ng dalawa para sa upcoming show ng singer-actress.

Sa Linggo ang taping ng buong show ni Julie Anne sa BGC pero wala pang petsa kung kailan ito ipalalabas at kung saan.

Base sa tsika sa amin ay ang supporters ng dalawa ang nag-request sa producer na muling i-guest ang singer-actor dahil nga bukod sa magaling sila parehong kumanta ay kapwa mahusay ding humataw sa dance floor.

May nagtsika nga sa amin na ano pa raw ba ang hinihintay ni Rayver bakit hanggang ngayon ay friend pa rin ang pagtingin niya kay Julie Anne?

E, teka baka naman natanong na ng aktor at hindi palang handang pumasok uli sa isang relasyon ang aktres.

Isa pang request ng fans ay ang pagsamahin sa teleserye sina Rayver at Julie Anne, bakit daw hindi pa sila bigyan ng sariling drama series ng GMA? Mas nauna pa raw kasing pagsamahin sina Rayver at Kylie Padilla.

At dito namin tinanong ang taga-GMA na panay ang viral ng mga nagaganap sa JulieVer gayung si Kylie ang kasama ng binaga sa seryeng “Bolera.” Hindi ba ito makakaapekto sa tambalan nila.

“Pareho-pareho namang GMA artists ang tatlo, so, nagkakatulungan din saka guest kasi ulit si Ray sa ‘Limitless’ concert ni Julie Anne dahil na rin sa request ng fans nila.

“Siyempre need pagbigyan ang fans dahil sila naman din ang dahilan kaya sikat ang loveteam ng dalawa,” katwiran sa amin.

Dagdag pa ng aming kausap, “Yung sa kanila ni Kylie katatapos lang ng first lock-in taping kaya wala pang promo. Abangan mo pag ipalalabas na tadtad na ‘yan (ng publicity).”

Ang tarush ni Rayver dala-dalawa ang ka-loveteam. At dahil walang lovelife ang binata kaya kaliwa’t kanan ang tinatanggap na trabaho para sa na rin future at paborito siya ng Shopee dahil lagi siyang kabilang sa mga events nito na napapanood nang live sa GMA 7.

Ngayong 5 p.m. gaganapin ang 3.15 Consumer Day TV Special, ang unang mega sale of the year ng nasabing e-commerce platform.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)


Bago namin matapos sulatin ang balitang ito nasagot ang pinatatanong namin kung kailan planong magka-love life ng aktor. “Next year?” kaswal na sabi ng aming source.

Hmmmm, si Julie Anne na nga kaya ang next girlfriend ni Rayver?

Rayver sumusumpang walang third party sa breakup nila ni Janine; nagkakamabutihan na ba sila ni Julie Anne?

Julie Anne sa pagkabigo sa pag-ibig: Bakit? Ako ba yung nagkulang, saan ako nagkamali?

Julie Anne sa posibilidad na maging sila ni Rayver: Masaya naman maging masaya, si Lord lang ang nakakaalam ng lahat

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending