Promise ni Rayver: 'Malapit na...I will marry Julie Anne San Jose'

Promise ni Rayver Cruz: ‘Malapit na…I will marry Julie Anne San Jose’

Ervin Santiago |December 04,2023
facebook
share this

Promise ni Rayver Cruz: ‘Malapit na…I will marry Julie Anne San Jose’

Ervin Santiago - December 04, 2023 - 07:20 AM

Promise ni Rayver Cruz: 'Malapit na...I will marry Julie Anne San Jose'

Julie Anne San Jose at Rayver Cruz

SINIGURO ng Kapuso TV host-actor na si Rayver Cruz na pakakasalan niya ang kanyang girlfriend na si Julie Anne San Jose.

Pero ipinagdiinan ng binata na wala pa silang napag-uusapan ni Julie Anne kung kailan at saan magaganap ang kanilang wedding.

Ayon kay Rayver, ang Kapuso actress-singer na ang nakikita niyang babae na nais niyang mapangasawa at makasama habambuhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)


“Mahirap magbitaw ng salita, pero malapit na, kasi hindi na tayo bumabata. Wala siyang timetable, but definitely I want my own family. At kung gusto ninyong marinig, yes, I will marry Julie Anne San Jose.

“Mahirap pang sabihin kung ano yung exact, pero alam ng Panginoong Diyos at alam naman niya kung gaano ko siya kamahal,” ang diretsong pahayag ng aktor sa panayam ng ilang members ng press sa birthday celebration ng Beautederm President at CEO na si Rei Aninoche-Tan last November 25.

Baka Bet Mo: Julie Anne ibinandera ang pagmamahal kay Rayver sa pakilig na birthday message, sagot ng aktor: Mahal kita Jules!

Sundot na tanong kay Rayver, kailan naman niya balak mag-propose kay Julie Anne, “Nakakatawa naman yung questions na ganyan. Mahirap talagang sagutin na diretso kung kailan magpo-propose.

“Siyempre, pag di mo naman nasagot nang tama, maraming masasabi ang mga tao. I just know deep in my heart na si Julie Anne na, siya na talaga.

“Ine-enjoy din namin yung relationship namin now. When the right time comes malalaman ko, in God’s time. I respect her family so much. I respect her so much,” tugon ng Kapuso star.

Ano naman ang gusto niyang wedding para sa kanila ni Julie Anne, “Simple lang ako, gusto ko church pa rin. Kami as family, every Sunday nagsisimba kami.

“Hindi na lang kami masyadong sama-sama ngayon dahil kami na lang tatlong magkakapatid. Yung brother naming isa nasa Cebu na, si Rodjun nasa North na.

“Pero pag may time na magkakasama kami, like nandu’n ako kay Rodjun, nakakapagsimba kami na magkasama,” sabi ni Rayver.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)


Sabi pa ng binata, nais niyang sundan ang yapak ng nakatatandang kapatid na si Rodjun Cruz pagdating sa pagpapamilya dahil hanga siya sa relasyon ng kapatid at ng asawa nitong si Dianne Medina.

Baka Bet Mo: Rayver, Julie Anne nag-collab sa TikTok video, netizens kinilig: Kayo na lang!

Pero bakit nga ba sila click na click ni Julie Anne? “Everything, e. Nagdya-jive kami sa lahat, from music, mga hilig namin. Makikita niyo naman sa TikTok yun.

“Tapos parehas kaming maka-pamilya, God-fearing, masayahing tao. Talagang pasok na pasok kami sa lahat,” aniya pa.

At sa question kung ano ang natutunan niya sa huli niyang pakikipagrelasyon na ina-apply niya sa relasyon nila ngayon ni Julie, “Parang hindi mo na iisipin kung ano ang mga past experiences mo.

“Ako kasi, pag mahal ko ang isang tao, mahal ko. Siguro pinaka-the best thing is to put God in the center of the relationship and everything will be okay,” tugon ng aktor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, isa si Rayver sa mga bibida sa upcoming series ng GMA na “Asawa Ng Asawa Ko” kasama sina Jasmine Curtis, Joem Bascon, Martin del Rosario at Gina Alajar, mula sa direksyon ni  Laurice Guillen.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending