Julie Anne, Rita kaya nga bang mabuhay na walang lalaki?

Julie Anne San Jose, Rita Daniela kaya nga bang mabuhay na walang lalaki?

Pauline del Rosario |November 27,2023
facebook
share this

Julie Anne San Jose, Rita Daniela kaya nga bang mabuhay na walang lalaki?

Pauline del Rosario - November 27, 2023 - 02:08 PM

Julie Anne San Jose, Rita Daniela kaya nga bang mabuhay na walang lalaki?

Julie Anne San Jose, Rita Daniela

NAKACHIKAHAN ng binansagang King of Talk na si Boy Abunda ang Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose at Rita Daniela.

At isa sa mga naitanong sa dalawa sa programang “Fast Talk with Boy Abunda” ay kung ano ‘yung isang bagay na kailangan nila upang maka-survive sa mundo.

“Marami. Pero first thing, ‘yung boses ko,” sagot ni Julie Anne.

Para naman kay Rita, “Love, kasi ‘diba kahit saang lupalop ka mapunta, singing man ‘yan o ‘di ka man kumanta, normal na trabaho, kapag may love sa ginagawa mo magtatagal ka.”

Dahil sa naging sagot ni Rita ay biglang naitanong ni Tito Boy kung kaya ba nilang mabuhay na walang lalaki.

Ayon kay Rita, isa siyang single mom ngayon at okay naman daw siya kahit walang katuwang sa buhay.

Baka Bet Mo: Nanay ni Rita Daniela iyak nang iyak habang ibinabandera ang pagbubuntis sa publiko: I’m so proud of you anak!

“Ngayon kasi may Uno na ako. Syempre sa ngayon kasi hindi ko pa siya masiyado hinahanap, medyo nakaka-survive ako. Tignan natin in the next few years,” sey niya.

Sambit naman ng Asia’s Limitless Star, “Ang hirap. Depende siguro sa phase ng life ko ngayon, because I’m really, really happy right now.”

Kasunod niyan ay nag-follow up pa si Tito Boy sa dalawa at sabay tanong kung ano ang pinaka importanteng aral na natutunan nila pagdating sa love.

“‘Wag ka sobra sobra magbigay. Kailangan matuto talaga magtira para sa sarili,” saad ni Rita.

Nagbigay rin siya ng advice sa co-singer at kaibigang si Julie Anne, “Siguro ipapayo ko sa kanya. Ano na lang. Mas sigurado pa sa mga gagawin, kumbaga kung na-test mo na, konti pa.”

Pagbabahagi naman ni Julie Anne, “Mahalin mo nang lubusan ‘yung sarili mo para makapagmahal ka ng iba pa.”

Sa ngayon ay karelasyon ni Julie Anne ang actor-dancer na si Rayver Cruz, habang si Rita ay kumpirmadong hiwalay sa non-showbiz partner at ama ng kanyang anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa darating na December 2, magkakaroon ng “Queendom: Live” concert ang dalawa kasama ang ilan pang rising singers.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending