Rita Daniela na-bad trip sa chikang hiwalay na sila ng tatay ng magiging anak: Wala po akong ginagawang masama sa inyo! | Bandera

Rita Daniela na-bad trip sa chikang hiwalay na sila ng tatay ng magiging anak: Wala po akong ginagawang masama sa inyo!

Ervin Santiago - September 13, 2022 - 08:20 AM

Rita Daniela

“FAKE news!” Yan ang sigaw ng Kapuso actress-singer na si Rita Daniela tungkol sa lumabas na chika na hiwalay na sila ng tatay ng kanyang magiging baby.

Galit na galit ang future mommy sa balitang nag-break na sila ng kanyang non-showbiz businessman partner na lumabas sa isang tabloid at ginawan pa ng artcard na ipinost sa kanilang social media account.

Sinabi sa write-up na kaya raw ayaw pa ring pangalanan ni Rita ang ama ng kanyang magiging baby ay dahil nga hiwalay na sila ng guy.

At para pabulaanan ang balita, naglabas ng official statement si Rita nitong nagdaang Linggo, September 11, sa kanyang Facebook page kalakip ang mga artikulong lumabas tungkol sa relasyon nila ng kanyang boyfriend.

Una niyang ipinost ang lumabas na artikulo mula sa isang showbiz website na deleted na ngayon.
Pahayag ni Rita, “FYI (for your information) I have never been interviewed by anyone else than Kuya Nelson Canlas of GMA News/Showbiz Report about my pregnancy and personal life.

View this post on Instagram

A post shared by Rita Daniela (@missritadaniela)


“Please don’t ever believe this nonsense and I hope that you don’t support this page and the people behind this page because it is clearly spreading fake news just to get likes and comments.

“My pregnancy journey and personal life has been private and I chose it that way.

“Wala po akong ginagawang masama sa inyo, Kapuso Celebrity. Ako ay nanahimik lamang at sana kayo rin,” mariing sabi ni Rita.

Kasunod nito, ni-repost din ng Kapuso star ang inilabas na artcard ng isang tabloid kung saan nakasulat nga na hiwalay na raw sila ng tatay ng ipinagbubuntis niyang baby.

“So, this is the source. This page proudly edited a picture of me with their headline.

View this post on Instagram

A post shared by Rita Daniela (@missritadaniela)


“Proud sila sa fake news. Don’t support this page for they are spreading fake news.

“But the damage has done. Nakapag komento na ang mga tao at naniniwala na sila dito. Nakapag judge na rin sila.

“Netizens, not all you see online and on social media are facts — including this page,” pahayag ni Rita.

Sa June 26, 2022 episode ng “All-Out Sundays”, sa “Queendom” segment unang ibinandera ni Rita ang kanyang pagbubuntis pero until now ay hindi pa rin niya sinasabi sa publiko kung sino ang ama ng kanyang magiging anak.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/316942/ken-chan-nagsalita-na-sa-pagbubuntis-ni-rita-daniela-im-so-proud-of-you
https://bandera.inquirer.net/287629/rita-daniela-ken-chan-may-sariling-diskarte-sa-paggawa-ng-love-scene-kailangang-maging-makatotohanan
https://bandera.inquirer.net/302224/ritken-fans-galit-na-galit-pa-rin-sa-pang-iisnab-ng-mga-hurado-ng-mmff-kina-rita-at-ken
https://bandera.inquirer.net/317673/toni-gonzaga-nag-warning-sa-netizens-laban-sa-poser-na-humihingi-ng-digital-gift

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending