Nanay ni Rita Daniela iyak nang iyak habang ibinabandera ang pagbubuntis sa publiko: I’m so proud of you anak! | Bandera

Nanay ni Rita Daniela iyak nang iyak habang ibinabandera ang pagbubuntis sa publiko: I’m so proud of you anak!

Ervin Santiago |June 28,2022
facebook
share this

Nanay ni Rita Daniela iyak nang iyak habang ibinabandera ang pagbubuntis sa publiko: I’m so proud of you anak!

Ervin Santiago - June 28, 2022 - 12:31 PM

Rita Daniela at Rosanna Iringan

IYAK nang iyak ang nanay ng Kapuso actress-singer na si Rita Daniela habang ibinabalita ng anak sa publiko ang tungkol sa kanyang pagdadalang-tao.

Sa nakaraang episode ng weekly Kapuso variety show na “All-Out Sundays”, humarap si Rita sa mga manonood at buong-tapang na inaming very soon ay magiging mommy na rin siya.

Ayon sa ina ni Rita na si Rosanna Iringan, bilib siya sa katapangan at paninindigan ng anak dahil hindi na nito inisip ang kanyang sarili at showbiz career sa ngalan ng katotohanan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rita Daniela (@missritadaniela)


Sa pamamagitan ng Facebook, ibinahagi ng nanay ng Kapuso star ang kanyang saloobin sa pagbubuntis ng anak matapos nga itong magsalita sa “Queendom” segment ng “All-Out Sundays” nitong nagdaang Linggo, June 26.

Alam daw niya na aamin na si Rita sa tunay na kundisyon nito pero hindi pa rin niya napigilan ang maiyak habang pinanonood ang rebelasyon ng aktres.

“I’m so proud of you anak!!! Ganun pala yun kahit pa alam ko na ano yung big revelation mo parang nag-pause ng saglit ang mundo ko at iyak ako ng iyak while watching you today sa Queendom (crying faces emojis) All-Out Sundays,” simulang pagbabahagi ni Mrs. Iringan.

Isang blessing daw para sa kanilang pamilya ang pagbubuntis ni Rita, “GOD loves you so much for giving you a true blessing and a gift that will be yours forever!!! I trust and believe that you will be a good and perfect nanay sa apo ko.

“Nandito lang ako palagi anak at gagabay sa lahat ng kailangan mo at ng apo ko!!!

“Mahal na mahal ko kayo and you made me more prouder!!” aniya pa.

Bukod sa pag-amin niya on national television, nag-post din si Rita sa Instagram ng litrato kung saan kita na ang kanyang baby bump, at sa  caption nito ay sinabi niyang Rita super excited na siyang makita ang baby niya.

“You came just in time. You are God’s greatest gift to me. You give me hope to make more dreams COME true. I shall do anything and everything that’s best for you. Always.

“Nanay will always make sure that you have a heart for people and joy in the Lord.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I can’t wait to meet you, anak. Ngayon pa lang, mahal na mahal na kita,” mensahe ni Rita sa anak.
Hindi binanggit ng aktres at singer kung sino ang ama ng magiging baby niya pero ayon sa aming source, non-showbiz daw ang guy at hindi raw totoong si Ken Chan (ka-loveteam ni Rita) ang tatay.

Rita Daniela, Ken Chan may sariling diskarte sa love scene, walang arte-arte

Ken Chan nagsalita na sa pagbubuntis ni Rita Daniela: I’m so proud of you

Heart binalikan ang pagkawala ng kambal nila ni Chiz: Worst day of my life…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending