Asawa ng kilalang negosyante sa showbiz nag-iiba ang ugali kapag nalalasing, paano na kung matuloy ang pagtakbo sa susunod na eleksyon? | Bandera

Asawa ng kilalang negosyante sa showbiz nag-iiba ang ugali kapag nalalasing, paano na kung matuloy ang pagtakbo sa susunod na eleksyon?

Reggee Bonoan |April 12,2023
facebook
share this

Asawa ng kilalang negosyante sa showbiz nag-iiba ang ugali kapag nalalasing, paano na kung matuloy ang pagtakbo sa susunod na eleksyon?

Reggee Bonoan - April 12, 2023 - 06:42 AM

Asawa ng kilalang negosyante sa showbiz nag-iiba ang ugali kapag nalalasing, paano na kung matuloy ang pagtakbo sa susunod na eleksyon?

Guess, Guess, who!? Mahulaan n’yo kaya kung sino sila?

KINAKAILANGANG maging maganda, malinis at maayos ang imahe ng asawa ng kilalang negosyante sa showbiz industry dahil may planong kumandidado sa susunod na eleksyon ang guy.

Dati nang kilala ang guy pero mas lalo siyang sumikat nang mapangasawa niya ang negosyanteng well-loved sa industriya dahil marunong namang makisama.

Pero dahil hindi naman sanay talaga sa showbiz industry ang guy kaya hindi niya masakyan ang kalakaran dito. Mainitin ang ulo nito at nakakapagsalita ng hindi maganda na may mga nakakarinig pa dahil wala siyang pinipiling lugar o okasyon.

Kaya ang asawang negosyante ay panay ang linis at pagtatakip sa guy lalo na sa mga taong nakaririnig kapag mainit ang ulo nito.

Aktres na may bagong series, bagong apple of the eye ng mayamang negosyante

Kaso hindi naman basta tatahimik ang mga taong nakakarinig kaya mega-kuwento rin sila sa mga kaibigan nila ng negosyanteng asawa hanggang sa nakarating na nga sa amin bilang miyembro ng media.

Sa pagkakakuwento rin sa amin ay marami ang nakakaalam dahil vocal si guy sa pagsasabing kapag nakakainom ay mainitin ang kanyang ulo.

Ang asawang negosyante ay lukang-luka na sa guy kaya kinakausap niya ito na baguhin ang ugali lalo’t kakandidato siya sa susunod na eleksyon.

“Minsan napupuno si _____ (negosyanteng asawa) iniiyak na lang niya pero hanggang kailan?” sabi sa amin ng aming source.

Dagdag pa, “Akala nga ng lahat payapa na si _____ (negosyanteng asawa) kasi sabi perfect guy ang napangasawa, e, hayan. In fairness matagal na rin naman sila, six years na rin silang kasal.”

Baka Bet Mo: Kilalang aktres nabuntis, nanganak noong kasagsagan ng pandemya: Na-shock kami kung sino ang tatay!

* * *

Tagumpay na si Mila (Janine Gutierrez) sa pagpapaikot niya kay Aidan (Zanjoe Marudo) dahil tuluyan na itong nahumaling sa kanya sa tumitinding mga eksena sa “Dirty Linen,” na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Handa nang panindigan ni Aidan ang tunay niyang nararamdaman para kay Mila matapos niya itong halikan at nangakong ipaglalaban niya ang kanilang relasyon kahit alam niyang tutol dito ang kanyang pamilya lalo na at kasambahay nila si Mila.

Pabor naman ito kay Mila dahil matagal na niyang plinano na mahulog si Aidan sa kanya para makapasok siya sa pamilya Fiero para mabunyag kung ano ang kinalaman nila sa biglaang pagkawala ng kanyang ina.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by JANINE ❤️‍🔥 (@janinegutierrez)


Pero nanganganib ang relasyon ng dalawa dahil hanggang ngayon, wala silang kamalay-malay, maliban sa nanay ni Aidan na si Leona (Janice de Belen), na matagal nang hiwalay sina Aidan at ex-girlfriend nitong si Sophie (Elisse Joson).

Sa oras na lumabas ang katotohanan sa estado ng kanilang relasyon, magiging malaking gulo ito dahil umaasa ang mga Fiero kay Aidan na isara ang isang multi-million business deal kasama ang pamilya ni Sophie.

Hindi lang si Aidan ang tataya sa ngalan ng pag-ibig dahil handa nang isugal ni Mila ang lahat para lang sa hustisya kaya kailangan na rin niyang mag-doble ingat.

Delikado na rin kasi ang sitwasyon ni Mila ngayon dahil may posibilidad na masangkot siya sa kaso ni Lala (Jennica Garcia), ang kaibigan niya na naghihiganti rin sa mga Fiero at kasalukuyang iniimbestigahan ng mga pulis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ano ang kayang gawin ng mga Fiero kay Mila kapag nalaman nila ang relasyon nito kay Aidan?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending