Kilalang aktres, asawang negosyante 'open relationship' ang status, pwede silang tumikim ng ibang 'putahe' Bandera

Kilalang aktres, asawang negosyante ‘open relationship’ ang status, pwede silang tumikim ng ibang ‘putahe’

Reggee Bonoan |May 30,2022
share this

Kilalang aktres, asawang negosyante ‘open relationship’ ang status, pwede silang tumikim ng ibang ‘putahe’

Reggee Bonoan May 30, 2022 - 12:07 PM

Guess, guess who!? Ma-gets n’yo kaya kung sinu-sino sila? Hula na!

HINDI kami makapaniwala na ang kilalang aktres na may asawa na ngayon at well-known din sa showbiz industry ang hubby ay tila nali-link sa isang aktor na kasama niya sa pelikula.

Tsika ng aming source, napansin ng mga kasama niya sa pelikula na kakaiba ang tinginan at kilos ng kilalang aktres at ng aktor at kahit matagal nang tapos ang eksena ng huli ay hindi pa ito umaalis at hinihintay ang una.

May eksena pang sweet silang nagbibiruan at may mga pa-touch-touch pa pareho sa braso at balikat.

Sa pagkakaalam namin ay nagsasama at okay naman ang kilalang aktres at hubby nito at sa katunayan ay maayos sila kapag magkasama sa mga showbiz gatherings kasi nga well-loved din naman ang couple.

Anong nangyari, balik tanong namin sa aming source? “Well, ang dinig ko ay open relationship silang mag-asawa, meaning they can still date.”

Matagal bago kami nakasagot sa narinig namin dahil sa totoo lang ngayon lang kami nakarinig ng ganito unless inbalido na ang isa sa mag-asawa na hindi na nila kayang paligayahin ang isa’t isa kaya nagkakaroon ng pangangaliwa o pagpatol sa iba pero nananatiling magkasama pa rin.

Ang kilalang aktres at hubby niya ay parehong bata pa at malakas kaya nakagugulat talaga na may ganu’n silang agreement.

Naalala naming bigla ang pelikulang “Open” nina JC Santos at Arci Muñoz na idinirek ni Andoy Ranay na isa sa mga entry sa 2019 Pista ng Pelikulang Pilipino. Ganito rin kasi ang tema ng kuwento nito pero ang pagkakaiba ay live-in pa lang pa lang ang mga bidang karakter.

Anyway, wala pang anak ang mag-asawang aktres at negosyante kaya siguro nagagawa pa nila ang mga gusto nilang gawin sa buhay nila.

Paghuhubad ni Kylie sa pelikula inookray: I’m an actress at meron pa akong pwedeng ipakita

Kris pinakilig ang fans sa birthday message kay mister: To the man who can’t keep up with my kaartehan

Francine naibili na ng bahay at sasakyan ang pamilya; pangarap ding makakuha ng college diploma

 

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending