Kilalang singer-actor walang pakisama, naningil ng TF sa benefit show
“BENEFIT show namin para sa mga taong may COVID, nanghingi ng talent fee?” ang natatawang kuwento sa amin ng isang kilalang mang-aawit.
Di sinasadyang banggitin sa amin ng kilalang mang-aawit ang tungkol sa singer-actor na nakasama niya sa benefit show noong kasagsagan ng pandemya para sa nga kasamahan nilang tinamaan ng COVID-19 na hindi naibalita.
May mga napagkuwentuhan kaming isyu tungkol sa ilang batang artista ngayon na hindi marunong gumalang sa senior stars. Bagama’t matagal na itong isyu among veterans ay hindi pa rin nauubos ang kuwento dahil iba-iba ang kanilang naging experience.
Hanggang sa napunta ang tsikahan namin ng kilalang mang-aawit tungkol sa singer-actor na medyo may ere at nakasama nila sa benefit show.
Maraming performers ang kasama sa benefit show at lahat sila ay libre o hindi naningil ng talent fee bagkus ay nagbigay pa ang iba para mabuo ang target amount para sa ipamamahagi sa mga COVID patients.
Nang malaman daw ng singer-actor na medyo malaki ang kinita ay nanghingi raw ito ng talent fee gayung may usapang libre lahat ang serbisyo nila.
“Daming dahilan, eh. Hindi ako ang direktang kausap pero nairita kami kasi may usapan na, bakit may ganu’n? So, binigyan siya para walang isyu, pero markado na siya,” tsika ng kilalang mang-aawit.
Medyo sensitibo ang topic kaya nagtanong kami kung puwede itong isulat at umokey naman basta i-blind item na lang namin.
“Nakaka-turn off. Ha-hahahaha!” natatawang sabi ng kilalang mang-aawit
Sa kasalukuyan ay wala kaming alam na may ginagawang project ngayon ang singer-actor habang ang kilalang mang-aawit ay kaliwa’t kanan ang proyekto sa corporate shows kaya kahit wala siyang regular show ay kumikita siya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.