Supladong singer-actor sakit ng ulo ng mga taga-production; ayaw gumawa ng promo materials
GUSTO naming bigyan ng daan ang ibinalita ng isang singer-actor na kaya siya umalis sa isang programa ay dahil luging-lugi na ito. Kabaligtaran pala ito dahil kaya siya umalis ay dahil napahiya na lang siya.
Kinuha pala ang singer-actor bilang isa sa juror ng isang segment ng programa at nang natapos na ito ay wala na siyang gagawin.
At dahil sobrang bait ng producer ng show at ayaw niyang may mawalan ng work ay ginawa siyang isa sa host kahit hindi bagay kasi nga hindi naman fluent magsalita ng Tagalog at maliwanag naman na ang kina-cater ng show ay ang masa.
Pinakiusapan ang singer-actor na magsalita ng Tagalog, aralin para mas makakonek sa masa pero hindi pa rin nito ginawa. Pati ang pagbabasa ng set cards ay hindi mabasa nang tama dahil nabubulol.
Kaya para ma-accommodate lahat ng hosts ng show ay maghati-hati na lang ng mga araw na lalabas sila para may work pa rin at hindi totally mawala.
At dito na hindi pumayag si singer-actor kaya nag-resign bagay na hindi na hinabol ng programa dahil hindi rin naman siya nakakatulong sa show.
Sa kasalukuyan ay kinuha sa isang TV series ang singer-actor na sakit din daw ng ulo ng mga taga-production dahil ayaw maglaan ng oras para sa promo materials.
Basta na lang daw umalis ang singer-actor sa show na hindi nag-record para sa promo na ang katwiran ay nagmamadali raw siya.
Natulala ang mga taga-production dahil hindi nila akalain na may ganitong ugali pala ang singer-actor. “Never again!” ang kaswal na sabi sa amin ng network tungkol sa bumibida sa ating blind item.
Ano kayang nangyari? Sa pagkakakilala namin sa aktor ay mabait naman ito at accommodating pero noon pa ay talagang may pagkasuplado na siya.
https://bandera.inquirer.net/307413/kilalang-singer-actor-na-may-attitude-ayaw-nang-makatrabaho-ng-premyadong-direktor
https://bandera.inquirer.net/282499/markki-stroem-biktima-rin-ng-pambu-bully-sa-school-lumaban-sa-matinding-depresyon
https://bandera.inquirer.net/282499/markki-stroem-biktima-rin-ng-pambu-bully-sa-school-lumaban-sa-matinding-depresyon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.