Aktres na may bagong series, bagong apple of the eye ng mayamang negosyante Bandera

Aktres na may bagong series, bagong apple of the eye ng mayamang negosyante

Reggee Bonoan |September 18,2021
share this

Aktres na may bagong series, bagong apple of the eye ng mayamang negosyante

Reggee Bonoan September 18, 2021 - 06:27 PM

TRULILI kaya ang tsikang nakarating sa amin na ang bagong apple of the eye ng kilalang negosyante ay ang aktres na may bagong TV series ngayon.

Ang kilalang negosyante ay suki ng mga showbiz actresses dahil mabait at matulungin bukod pa sa gentleman kaya siguro nagugustuhan siya ng mga ito.

In fairness ay wala namang sabit ang negosyante dahil matagal na itong single kaya kahit sino ang gustuhin niya ay okay lang at legal. ‘Yun nga lang madali siyang magpalit ng karelasyon.

Ang dating karelasyon ng kilalang negosyante ay magandang aktres na bumida na sa hindi mabilang na teleserye at pelikula.

Mabait at maayos namang makisama ang magandang aktres pero nakatataka na hindi nagtatagal ang mga nagiging karelasyon niya.

Anyway, maayos namang naghiwalay ang magandang aktres at ang kilalang negosyante kaya libre na silang maghanap o makipag-date sa iba.

Medyo mas mabilis nga lang ang kilalang negosyante dahil nakahanap kaagad siya ng kapalit na aktres din ang bida sa serye.

Mas bata ang bagong karelasyon ngayon ng kilalang negosyante kung ikukumpara sa kakahiwalay na aktres at equally maganda rin naman.

Duda naman ang karamihan na posibleng isa ang kilalang negosyante sa tumutulong sa karelasyong aktres kaya may bagong project ito lalo’t malaki ang kailangang budget ng serye niya.

Anyway, sa side ng kilalang negosyante ay boto sila sa bago nitong karelasyon dahil nakakabata sa pakiramdam ng kaibigan nila pero sa parte naman ng aktres ay alanganin sila dahil medyo malaki ang agwat ng edad nila.

Sabi naman ng iba, ‘age is just a number or age doesn’t matter’ basta’t nagmamahalan, bakit naman ang hindi.

Oo nga naman as long as hindi naman sila nangi-istorbo ng ibang tao at walang naaapakan.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending