Kilalang aktres nabuntis, nanganak noong kasagsagan ng pandemya: Na-shock kami kung sino ang tatay! | Bandera

Kilalang aktres nabuntis, nanganak noong kasagsagan ng pandemya: Na-shock kami kung sino ang tatay!

Reggee Bonoan |June 22,2022
facebook
share this

Kilalang aktres nabuntis, nanganak noong kasagsagan ng pandemya: Na-shock kami kung sino ang tatay!

Reggee Bonoan - June 22, 2022 - 09:43 AM

Guess, guess who! Ma-gets n’yo kaya kung sino siya?

NA-SHOCK kami to the max sa nalaman naming tsika tungkol sa kilalang aktres na nanganak daw noong kasagsagan ng pandemya.

Super reliable ang aming source dahil galing mismo ito sa network kung saan konektado ang kilalang aktres.

“Alam mo bang nanganak si ____  (kilalang aktres) during the time of pandemic?” bungad ng aming source.

Sinagot namin ng hindi, “Bakit hindi mo alam?” balik-tanong sa amin.

Anyway, ang kilalang aktres ay waiting kung anong io-offer na project sa kanya ng kanyang mother network dahil sa kasalukuyan ay hinahanapan pa raw siya.

Alam naman daw kasi ng network ang naging sitwasyon niya at habang wala siyang ginagawa ay mega-enjoy siya sa pag-aalaga ng kanyang baby.

Binanggit sa amin kung sino ang ama ng baby ng kilalang aktres at mega-shock din kami dahil hindi namin ito inaasahan. Pero bigla naming naalala na kaya pala hindi mawala-wala ang tsikang may something sila at nakita sa isang private resort sa South.

Hindi namin kilala nang personal ang tatay ng baby ng kilalang aktres pero base sa tingin namin ay mabait naman siya at matulungin.

Kaya pala biglang nawala sa picture ang lalaking personalidad na na-link din noon sa isang kilalang aktres dahil nga may iba palang gusto ang huli.

Anyway, mukhang taon ang bibilangin bago ilantad ng kilalang aktres na may anak na siya dahil iba ang packaging ng career niya.

Pero feeling namin kahit aminin o malaman ito ng publiko ay hindi naman makakaapekto sa career ng kilalang aktres dahil well-loved naman siya ng lahat dahil mabait siya at magaling makisama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Netizens na-shock, nabastusan sa pa-survey ni Nikko; pero marami pa ring nag-join

Angeline Quinto nanganak na sa kanyang panganay: ‘Hello, Baby Sylvio!’

Jessy na-shock nang regaluhan ng underwear ng manliligaw: Paano mo nalaman yung size ko?!

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending