Lovely kay Benj: Binago ni Lord ang asawa ko…hindi na mainitin ang ulo, wala siyang reklamo sa kabila ng katamaran ko
NAPATUNAYAN ng Kapuso actress na si Lovely Abella na isa talagang “ideal husband” ang mister niyang aktor na si Benj Manalo.
Maraming na-touch at na-inspire sa sweet message ng “Bubble Gang” star para kay Benj nang matapos na ang walong araw na pagbabakasyon nila sa Thailand.
Sa kanyang Instagram page, nag-post si Lovely ng ilang litrato nilang mag-asawa na kuha sa ilang lugar na pinuntahan nila sa Thailand at kalakip nga nito ang bonggang pa-shoutout niya kay Benj.
Sa kanyang caption, pinasalamatan niya nang bonggang-bongga ang asawa dahil sa hindi malilimutang bakasyon nila sa Thailand.
Bukod dito inisa-isa rin ng Kapuso star ang mga pagbabagong nakita niya sa ugali at personalidad ng aktor makalipas ang mahigit pitong taon nilang pagsasama.
“Sabi kasi nila mas makikilala mo raw ang partner mo/bf mo or asawa mo ‘pag nasa ibang bansa kayo. Heto ang magpapatunay na binago ni Lord ang asawa ko simula nang lumakas ang faith niya,” simulang pahayag ni Lovely.
Aniya pa, “‘Di na mainitin ang ulo niya. ‘Di niya na sinasabayan ang bwisit ko. Halos siya lahat kumikilos, wala akong narinig na reklamo sa kabila ng katamaran ko. As in napakasaya ng travel namin na ‘to.”
View this post on Instagram
Sa walong araw daw nilang pamamalagi sa Thailand, napatunayan niya kung gaano siya kamahal ng asawa, talaga raw na-master na nito ang pagmu-multi tasking kahit nasaan sila.
“Vlogger, tagabitbit, taga-picture, boss na may puso at malasakit, taga-bukas ng pinto ko, tagahintay ‘pag nagsa-shopping kami.
“Babe, ang saya ko. Ang saya ng puso ko na ikaw ang nakasama at makakasama ko pa sa lahat ng travel na ‘to. Thank you Lord safe po kaming lahat. Walang mabigat na aberya,” chika pa ng komedyana.
Matatandaang nagpakasal sina Lovely at Benj noong Jan. 23, 2021 sa Quezon City.
https://bandera.inquirer.net/300781/lovely-abella-nagpaka-willie-revillame-sa-b-day-party-nagpa-raffle-ng-brand-new-car
https://bandera.inquirer.net/286041/benj-tinawang-na-best-partner-si-lovely-7-years-na-tayo-pero-sobrang-in-love-pa-rin-ako-sa-yo
https://bandera.inquirer.net/304142/benj-sa-1st-anniversary-nila-ni-lovely-nakakakilig-pa-rin-mahalforever-na-tayo-ha
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.