10 Pinoy na namatay daw sa Thailand dahil sa malakas na lindol, fake news!

Gumuho ang ginagawang building sa Bangkok, Thailand dahil sa malakas na lindol
KALAT na ang balita sa social media na may 10 Pinoy umano ang namatay sa Thailand dulot ng nangyaring 7.7 magnitude na lindol sa Myanmar nitong Biyernes, March 28.
Ngunit agad na nilinaw ng embahada ng Pilipinas sa Thailand na walang katotohanan ang nasabing balita at isa itong fake news.
Sa pamamagitan ng Facebook, naglabas ng statement ang embahada ng bansa sa Thailand tungkol sa naglabasang maling impormasyon sa socmed.
“The Philippine Embassy in Thailand received information that there had been news reports stating that 10 Filipinos perished in the earthquake in Thailand. This is false information.
“As of this time, the Embassy has not received any report of Filipino nationals who were harmed by this unfortunate disaster,” ang nakasaad sa opisyal na pahayag.
Bukod dito, tuluy-tuloy pa rin ang pagtutok at pagmo-monitor ng embahada sa mga Pilipinong nasa Thailand para alamin kung anu-ano ang mga kailangang tulong matapos ang napakalakas at mapaminsalang lindol.
“The Embassy continues to monitor the situation for any Filipino nationals who may be affected and may need immediate assistance due to the earthquake.
“The Embassy further advises Filipinos in Thailand to monitor updates from credible and verifiable sources of information, and avoid spreading fake and unverified news,” ang sabi pa sa official statement.
Nauna rito, ibinalita rin ng Philippine Embassy sa Thailand na, “As of this time, there have been no reports of Filipinos harmed or affected by the earthquake.”
“The Embassy advises Filipinos in Thailand to remain calm and vigilant, as well as monitor updates from credible and verifiable sources of information,” sabi pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.