DFA: Walang Pinoy ang nasaktan sa lindol sa Myanmar, Thailand

INQUIRER file photo
WALANG Pilipino ang nasaktan sa malakas na lindol na yumanig sa Myanmar at Thailand nitong Biyernes, March 28.
Ito ay ayon mismo sa update ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Base sa ulat ng United States Geological Survey, itinuring na “red alert” ang magnitude 7.7 na tumama sa Sagaing sa Myanmar.
Dahil ito sa posibleng mataas na bilang ng mga biktima at matinding pinsala sa mga establisyemento at infrastruktura.
Baka Bet Mo: Pokwang binanatan dahil sa planong pag-ampon kay Miss Myanmar
Sinabi ng embahada ng Pilipinas sa Yangon na patuloy nilang mino-monitor ang sitwasyon at magbibigay ng updates o karagdagang impormasyon tungkol sa kaligtasan ng mga Pinoy sa Myanmar.
Samantala, iniulat din ng embahada ng Pilipinas sa Bangkok na walang Pilipinong naapektuhan sa Thailand.
Pinayuhan na rin daw nila ang mga Pinoy roon, na aabot sa 32,950, na manatiling kalmado at sumubaybay sa mga opisyal na balita mula sa mapagkakatiwalaang mga ahensya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.