Pokwang binanatan dahil sa planong pag-ampon kay Miss Myanmar | Bandera

Pokwang binanatan dahil sa planong pag-ampon kay Miss Myanmar

Reggee Bonoan - May 21, 2021 - 01:00 PM

MARAMING pumuri kay Pokwang nang imbitahan niya sa kanyang bahay si Miss Universe Myanmar Thuzar Wint Lwin o Candy Thuzar matapos malaman hindi na ito makakabalik sa kanilang bansa.

Naglabas na raw kasi ng arrest warrant ang Myanmar authorities laban sa kanya dahil lumalabas na tumakas lang siya sa bansa nila para sumali sa 69th Miss Universe pageant.

Bukod dito ay bantay-sarado na ang social media ni Candy lalo’t nag-post siya ng mga larawang kasama siya sa anti-coup movement. Nakunan din siya ng mga larawan habang nakikipag-rally at may death threats na rin siya kasama ang pamilya niyang lumipat na rin ng tirahan.

Anyway, kung may mga pumuri sa komedyana ay marami ring nam-bash sa kanya dahil mas marami raw mahihirap sa bansa natin tulad ng mga natutulog sa lansangan kaya bakit hindi na lang daw ang mga ito ang ampunin niya.

Ayon sa netizen na si Lucas JP Fajardo, “Magkaiba ang sitwasyon ni Ms. Myanmar sa mga taong nasa kalsada. Si Ms. Myanmar, walang bansang uuwian dahil sa kasalanang gusto n’ya lang humingi ng tulong hinggil sa nangyayare sa bansa nila.

“Pero ang mga nasa kalsada na pulubi, nagsisiksik sa lungsod bakit di umuwi sa probinsya at mag bungkal ng lupa? Magtanim para may makain,” katwiran nito.

Sabi rin ni Darryl Kyle, “Mga nagko-comment dito di na nga makatulong kung anu-ano pa pinagssabi! Haixt! Kasalanan ba naman ni Pokwang kung naghihirap sa buhay ang mga taong palaging nagpaparami ng mga anak kahit di kayang buhayin kung kaya’t nagiging dahilan ng paghihirap nila?”

Sa latest Ogie Diaz Showbiz Update ay tinanong nina Ogie at kasamang si Mama Loi kung ano ang masasabi ni Pokwang kay Miss Myanmar.

“Hi Ms Myanmar, I’m Pokwang and I’m from the Philippines and I’m a fan of woman like you, you are very courageous and stands what is right for her country, you’re very strong and powerful.

“Just want you to know that you have a friend here in the Philippines and offering my humble home to you if you want to visit,” say ng aktres.

At tungkol naman sa bashers ng komedyana, “Marami namang mahirap sa Pilipinas bakit hindi ko ampunin at bakit si Ms Myanmar pa.  Excuse me, kung talagang followers ko kayo o legit ko kayong fan, alam n’yo kung ano ang ginagawa kong pagtulong at hindi ko na iisa-isahin ‘yun.

“Ang importante alam ni God kung ano ang ginagawa ko hindi ‘yung mga naka-data lang na makapag-comment lang, okay? Kalma!”

Dagdag pa niya, “And Ms Myanmar God bless you and protect you and God bless your country.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa kasalukuyan ay nananatiling nasa Amerika si Miss Myanmar at nagdesisyong doon na muna siya mananatili katulad din ni Miss Grand Myanmar 2020 na si Han Lay na sumali sa Miss Grand International 2020 at kasalukuyang nasa Bangkok, Thailand naman ngayon mahigit dalawang buwan na at nasa pangangalaga ng Miss Grand International Organization.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending