Rayver Cruz inaawitan ng mga netizens, kailan nga ba nagpo-propose kay Julie Anne? | Bandera

Rayver Cruz inaawitan ng mga netizens, kailan nga ba nagpo-propose kay Julie Anne?

Reggee Bonoan |August 05,2023
facebook
share this

Rayver Cruz inaawitan ng mga netizens, kailan nga ba nagpo-propose kay Julie Anne?

Reggee Bonoan - August 05, 2023 - 07:57 PM

Rayver Cruz inaawitan ng mga netizens, kailan nga ba nagpo-propose kay Julie Anne?

HINDI nakasama sina Diane Medina, wifey ni Rodjun Cruz at Julie Anne San Jose na girlfriend ni Rayver Cruz sa kasal nina Rambo Nunez at Maja Salvador na ginanap sa Bali, Indonesia dahil parehong may mga trabaho.

Kaya for sure nanghinayang ang dalawa sa magagandang posts sa social media accounts ng magkapatid sa mga aktibidades nila sa nasabing bansa.

Sabi ni Rayver sa Instagram post niya, “[B]ali dump (emoji flag of Indonesia).”

Nagkomento ang girlfriend ng TV host-actor na si Julie Anne, “Funnnn (emoji 3 smiling face with heart eyes)

Sagot kaagad ni Rayver, “@myjaps soon with you (emoji smiling face with heart eyes).

At dito na nag-post ang mga followers ng dalawa na waiting sila kung kailan magaganap ang pagpunta ng JulieVer sa nasabing bansa.

Say ni @schiin45, “@rayvercruz [Rayver] hi and @myjaps [Julie Anne] please consider to limit your comment section for ur peace of mind.”

Sabi rin ni @marjhorian, “@rayvercruz waiting po kami.”

Baka Bet Mo: Rayver Cruz naghahanda na para kay Julie Anne, ready na bang magpakasal?

Bandera IG

Ayon kay @rayjulie_143, “waiting sa comment ni Mameeeyyy @myjaps.”

Samantala, kinunan ng kuya Rodjun ni Rayver ang mga kaganapan sa kasal nina Maja at Rambo plus mga ginawa nilang magkapatid. Payo pa nga ni Ray ay gumawa na ng vlog ang hubby ni Dianne, pero sabi naman nito sa kapatid ay dapat magkasama sila sa vlog.

Dahil sunud-sunod ang mga ikinasal ngayon sa showbiz at ‘yung iba ay nag-propose ay marami na ang nagtatanong kay aktor kung kailan niya balak mag-propose sa girlfriend niyang si Julie Anne.

Nabanggit na rin naman kasi nina Rayver at Julie Anne na ‘the one’ na nila ang isa’t isa at nasa tamang edad na rin sila para bumuo ng pamilya.

Ayon sa kampo ng aktor ay walang pressure sa kanya dahil ang prayoridad nilang dalawa ni Julie Anne ay mag-ipon, mag-ipon at mag-ipon.

Gusto yata ng singer/actress ay makapagpatayo siya ng sariling bahay niya dahil sa ngayon ay nakatira siya sa bahay ng magulang niya. Si Rayver naman ay may sarili na rin namang bahay.

Pero kapag ikinasal na ang dalawa ay gusto ng aktor na magpatayo ng bahay naman nilang dalawa ni Julie Anne kasi ang bahay niya ngayon ay magiging maliit na kapag nagkaroon na sila ng mga tsikiting.

Sa madaling salita kung ganito ang mindset ng JulieVer ay malamang after 4-5 years pa magaganap ang big day nila kaya naman wala silang pinalalampas na trabaho kung kaya rin lang ng schedules.

Kahit abala sila sa tapings ng kani-kanilang show ay tinanggap nila ang concerts sa ibang bansa na dalawang araw lang mangyayari. ang katwiran ay maraming fans ang nag-aabang sa kanila roon.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Julie Anne game na game sa intimate scenes nila ni Rayver; confident na hindi siya lolokohin ng dyowa

Rayver ibinandera ang pagmamahal kay Julie Anne, na-develop ang ‘feelings’ nang magkasama sa Siquijor

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending