Rayver Cruz naghahanda na para kay Julie Anne, ready na bang magpakasal? | Bandera

Rayver Cruz naghahanda na para kay Julie Anne, ready na bang magpakasal?

Reggee Bonoan - March 18, 2023 - 08:29 AM

Rayver Cruz naghahanda na para kay Julie Anne, ready na bang magpakasal?
GRABE ang titigan nina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose nang mag-guest sila sa “Fast Talk ni Boy Abunda” na umere nitong Huwebes ng gabi, March 16.

Bukod dito ay ramdam din ang kilig nila sa isa’t isa na pati si Kuya Boy ay kinikilig na rin sa dalawa kaya ang allotted two minutes niya ay pinadagdagan niya dahil marami pa siyang gustong malaman sa dalawa.

Biniro nga ni kuya Boy si Rayver na bihis na bihis at parang aakyat na or hihingin na ng TV host/singer/actor ang kamay ni Julie Anne sa magulang nito.

Tawa naman ng tawa ang dalawa sabay hirit ng aktor, “Siyempre Fast Talk, eh. (guesting nila).”

Tinanong ng FT host kung ano ang mga bagay na hindi pa nagagawa ng JulieVer dahil pareho silang kumakanta, sumasayaw, tumutugtog ng instrumento at nagho-host. Nagkatinginan ang dalawa at sabay tawa.

Sabi ni Julie Anne, “Kasi Tito Boy kapag may mga work kami (and) we have a movie coming out The Cheating Game, we have The Clash and All Out Sundays (sabay tanong kay Rayver), ano pa baa ng hindi natin nagagawa?”

Biro naman ng binata, “actually nagawa na namin tito Boy, fast talk with you, ha, ha, ha.”

“Okay tingnan natin kung saan tayo makaakrating sa fast talk,”natawang sabi ng host.

Ang paboritong kanta ni Julie Anne ay “ll Be There” at favorite dance move naman ni Rayver (minuwestra ng dalaga).

‘First gift from Julie Anne?’ tanong ni kuya Boy.

“Necklace,” tipid na sagot ni Rayver.

“Stuffed toy” naman ang sagot ng dalaga kung ano ang unang natanggap niya mula sa karelasyon.

Ang first impression ni Rayver kay Julie Anne, “very sweet.”

“Very cute,” naman ang sagot ni Julie Anne.

‘Maghihintay o maglalakbay,’ tanong kay Rayver.

“Maghihintay hanggang sa makalakbay sa patutunguhan,” sagot ng aktor.

Humalakhak ng todo si Julie Anne at napapalakpak naman si Rayver.

“Aaminin” naman ang pinili ng aktres kaysa sa itatago.

‘What do you like most about Julie Anne,’ tanong ni kuya Boy kay Rayver.

“Everything tito Boy, she’s my world!” diretsong sabi ng aktor sabay tingin sa aktres na napangiti.

“What do you like most about Rayver,”

“Very loving,” sabi naman ng dalaga.

Ikinumpara ni Julie Anne sa lasa ng ulam na menudo si Rayver, “kasi very sweet tapos nandoon na kasi lahat, so, kumpletos rekados.”

“Kung candy si Julie Anne anong flavor?”

“Siguro tito Boy naghahalo ‘yung tamis saka asim,” sabi ng boyfriend ni Julie Anne.

‘Sexiest part ng katawan ni Julie Anne, “shoulder at saka ‘yung lips niya,” sabi ni Rayver habang nakatingin sa dalaga.

“His eyes,” sagot ni Julie Anne sa kaparehong tanong.

Ang napuna ng TV host, “alam nyo, iba kayo magtinginan.”

Baka Bet Mo: Rayver kay Julie Anne: Mahal kita…maghihintay ako kahit gaano katagal, nandito lang ako

Natawa naman ang JulieVer.

Ang kinaiinis ng dalaga kay Rayver, “kapag hindi siya nagre-reply agad.”

“Ay grabe, ha, haha,” natawang sagot ng aktor kasi abala pala siya sa kalalaro ng mobile legend.

At naiinis naman si Rayver kay Julie Anne, “kapag naiinis siya kasi hindi ako nagre-reply, ha, ha, ha.”

Ang term of endearment ng binata ay, “Juls po pero ang tawag ko talaga sa kanya, My Love.”

At si Julie Anne, “Pumpkin kasi ang tawag ko sa kanya and love, ha, ha, ha.”

Sa mga sumunod na tanong ay dapat sabay sagutin ng JulieVer para malaman kung iisa ang nasa isip nila.

Tanong ni kuya Boy, “lights on o lights of.”

Parehong ‘lights on’ ang sabi ng dalawa at nagkatawanan.

“E, kasi lights on pagkagising, lights off pagtulog,” katwiran ng dalaga.

Parehong ‘chocolates’ ang sagot ng magkasintahan.

“Anytime” naman ang sagot nila sa tanong na ‘best time for happiness.’

“Pag-ibig na Kaya” ang kanta nina Rayver at Julie Anne sa isa’t isa na official music video ng “Pag-ibig na Kaya” series na napanood sa YouTube channel ng Universal Records.

Sagot ni Rayver sa tanong kung sino si Julie Anne sa buhay niya, “siya lang ang nag-iisang babae sa buhay ko ngayon, tito Boy.”

Sabi naman ni Julie Anne kung sino si Rayver sa buhay niya, “importante at mahal ko.”

Parehong nagtawanan at kinilig ang JulieVer na parang sila lang ang nasa studio at gayun din si kuya Boy na tuwang-tuwa sa dalawa.

May mga binalikang tanong ang FT host, ‘mahal ang tawag mo kay Julie Anne?’

Baka Bet Mo: Regine aprub sa relasyong JulieVer, may bilin kay Rayver Cruz: ‘Alagaan mo yan ha, special sa amin yang si Chuli!’

“Opo tito Boy, kasi ini-express ko everyday. Parang nahirapan na po (ako) kapag hindi ko sinasabi na love,” esplika ng aktor.

Gayun din si Julie Anne, you also call him back (mahal), “yes!”

‘Bakit nga ba hindi ka agad sumasagot kay Julie Anne?”  sagot ni Rayver, “kasi po tito Boy gamer ako, so, inaabot ng two minutes (bago sumagot.) Itatapon ko na ikaw (Julie Anne) lang kailangan ko.

“Huwag, I know that you love it too, so, I don’t gonna take it away,” katwiran ng dalaga.

Tungkol sa pelikulang “Cheating Game” naman ang pinag-usapan at parehong masaya sina Julie Anne at Rayver dahil unang beses nilang magsama sa isang pelikula.

Ano ang cheating para sa dalawa at bakit ngtsi-cheat ang isang tao at ano ang cheating na puwedeng patawarin at kailangan ng mag-goodbye.

Sabi ni Julie Anne, “actually ang hirap i-define tito Boy ang dami kasing ouwedeng definitions. Iba-iba kasi tayo ng interpretations. It’s something that you do if you’re not contented in a relationship.”

Baka Bet Mo: Rayver Cruz bibili na ng luxury car, aamin na nga ba sa relasyon nila ni Julie Anne San Jose?

Dagdag katanungan ni kuya Boy,“halimbawa text, halimbawa nakipag-usap sa telepono, halimbawa tumingin ng kakaiba?”

“Depende sa conversation tito Boy,” saad ng dalaga.

Paano kung may ‘landi?’ cheating baa ng dating sa aktres.

“For me, parang medyo under the table, shady tito Boy kasi you’re allowing the person to flirt with you or make landi with you and then like you landi back,” paliwanag ni Julie Anne.

Opinyon naman ni Rayver, ‘for me kasi tito Boy kapag nasa isang relasyon sagradfo ‘yun dapat contented ka in your partner or the person that you love. Tulad ng sabi ni Juls na hindi ka contented may tendency talaga na hanapin mo sa ibang tao at mahirap makipag one-on-one sa isant tao kaya ang tendency nagkakaroon ng cheating.”

Nakatitig naman ang dalaga sa kanyang boyfriend habang ipinaliliwanag nito ang ibig sabihin ng cheating base sa paniniwala niya.

Kapag halimbawang may nagpi-flirt kay Rayver ay sinabi ni Julie Anne na hindi siya confrontational na tao pero inaming saktong selos lang siya at hindi niya ito aawayin pero pag-uusapan nila ito ng maayos.

Ibinuking naman ni Rayver na maraming may gusto sa babaeng mahal niya ano ang gagawin niya kapag nag overstep na.

Baka Bet Mo: Rayver Cruz ayaw makisawsaw sa isyu ni Liza Soberano; Rhea Tan 5 taon nang nakikipag-collab sa Sparkle ng GMA

“Confident ako na ako lang ang lalaki sa buhay niya (Julie Anne). Pero kapag may mga makukulit na, kailangang kausapin ko na, ‘preno-preno ka ng konti, bro (sabay tawa ng malakas).

“Huwag po sana nating paratingin do’n (mag-over step) tito Boy kasi kami ni Rodjun (Cruz-kuya niya), masayahing tao kami pero pangit din po kami pag na-bad trip. Sobra po akong pasensyosong tao pero pag alam mong sorry po sa salita, pag alam mong bastos na kakausapin ko na,” paliwanag ng aktor.

Para kay Julia pag nag cheat ay tapos na.

Sang-ayon naman si Rayver sa sinabi ni Julie Anne pero, “depende po kasi sa sitwasyon lalo na kapag pamilyadong tao ka na kasi depende sa kasalanan (may second chance) maybe for the kids. Baka puwedeng maayos para sa mga bata pero mahirap nap o kasi ‘yung trust may crack na.”

Iba naman ang paniniwala ng TV host na kapag mahal moa ng isang tao ay dapat mas malaki o mas malawang ang pagmamahal mo kaysa sa kahinaan ng partner mo at laging bigyan ng second chances.

May pinalaro sa dalawa si kuya Boy ang red thread of fate na nagsimula sa bansang China na ginagamit na rin sa India at Japan.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by rayvercruz (@rayvercruz)

Hinawakan ng dalaga sa kabigang dulo habang si Rayver naman ay hahawakan niya habang binibigkas ang ‘my soulmate, my girlfriend’ hanggang marating niya ang dulo at my soulmate ang huli kaya tuwang-tuwa ang aktor sabay yakap kay Julie Anne.

At hiningan ng mensahe si Rayver para kay Julie Anne na tila nag-propose na.

“Ito tito Boy madalas ko naman sabihin sa kanya na (sabay tingin sa dalaga), gusto kong sabihin sa ‘yo na this is it, hindi mo man alam pero I’m getting ready kasi ikaw na talaga ‘yung nakikita kong makakasama ko sa habambuhay.

“Noon kasi nire-ready ko for myself tito Boy, but now I’m getting ready para sa future plans and future ko with her,” pahayag ng binata habang nakatingin sa kanya ang dalaga na punumpuno ng pagmamahal.

Nagulat ang TV host, “God! This is the boy I saw, I’m so proud of you.”

Ano naman ang masasabi ni Julie Anne, “basta kung nasaan ka, doon ako, ha, ha, ha.”

Nagkatawanan ang tatlo at base sa sagot ng aktres ay um-oo na siya sa indirect proposal ng aktor.

Napahanga ng JulieVer si kuya Boy, “I like that, kung nasaan ka, nandoon ako.” Di ba, ganu’n lang?”

Kaya pala sinabihan kami ni Rayver nang magkita kami sa mediacon na malapit na at imbitado raw kami.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Gerald Anderson binura ang comment sa IG post ni Rayver Cruz, bakit kaya?

Rayver Cruz, Julie Anne San Jose pinagtagpo, pero itinadhana nga kaya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending