Rayver Cruz ayaw makisawsaw sa isyu ni Liza Soberano; Rhea Tan 5 taon nang nakikipag-collab sa Sparkle ng GMA
DAHIL sa trending na mga rebelasyon ni Liza Soberano patungkol sa kanyang showbiz career na nagmula sa panayam sa kanya ni Bea Alonzo ay palagi na rin itong natatanong sa ibang mga artista.
Partikular na pinag-uusapan ngayon ang nasabi ni Liza na nakahon siya sa loveteam nila ni Enrique Gil kaya hindi niya na-explore ang iba pang anggulo ng kanyang pagiging artista.
Ito nga ang isa sa mga naitanong sa Sparke GMA Artists Center talents na dumalo sa Beautederm mediacon — na-feel ba nila na parang nakahon sila sa loveteam o may gusto silang project na hindi nila nagawa.
Isa si Rayver Cruz sa mga Sparkle artists kaya’t hiningan namin siya ng komento tungkol kay Liza na nakasama niya sa TV series na “Bagani” noong 2018 at hindi na nga ito natapos ng aktor dahil lumipat na siya sa GMA 7.
View this post on Instagram
Pero kaagad niyang hinawakan ang kamay namin at bumulong, “Sensitive ‘yang issue.”
Naintindihan namin ang binata, true gentleman enough dahil hindi siya sumawsaw sa isyu pero labis-labis ang pasalamat niya sa GMA 7 sa tiwalang ibinibigay sa kanya.
“Sa Sparkle family ko po, kitang-kita naman kung gaano ako inaalagaan. Sa 4 years ki po sa GMA ang dami pong pinagawa nila sa akin na hindi ko pa nagawa.
“Ang daming projects sa akin na nagamit talaga ‘yung skills ko, kumakanta nap o ako, nagho-host na ako, tumutugtog na ako ng instrument, nakapag-concert na po ako kaya maraming salamat.
“Nu’ng hinandle na ako ng Sparkle doon na ako napansin ni mommy Rei (Anicoche-Tan), kinuha na niya ako sa Beautederm family, thank you mommy Rei,” masayang sabi ng TV host-actor.
Samantala, sa mediacon ng Beautederm ay ini-launch ang mga bago nitong endorsers, sina Edgar Allan Guzman, Ysabel Ortega, Thia Tomalia, Buboy Villar at ang ex-beauty queen na si Patricia Tumulak.
Kasama rin sa nasabing pagtitipon sina Rayver, Sanya Lopez, Cassy Legaspi, at Ruru Madrid para sa renewal ng kanilang kontrata.
Sa limang taong partnership ni Ms. Rei Anicoche Tan sa Sparkle GMA Artist Center para sa ilang artistang endorser nila ay sobra siyang nagpapasalamat dahil walang naging problema at madaling kausap lalo na in terms of posting sa kani-kanilang social media para sa promo na bahagi ng kanilang kontrata.
Sabi ni Ms. Rei, “I value my partnership with Sparkle. Part of the reason why Beautéderm continues to sparkle is because of these artists. They represent the brand well through their efforts, talents, and beauty inside and out.
“We are beyond grateful and beyond beautiful. We are dedicated to reaching more people all over the world, making sure they have quality products to rely on—from beauty to wellness products. And by expanding more, we are able to help more people—from elderly people to our scholars,” aniya pa.
Sa panayam namin kay Ms. Rei ay sinabi niyang nasa 100 na ang mga anak ng kaniyang mga empleyado ang pinag-aaral niya nang libre mula elementarya, high school at kolehiyo bukod pa sa mga kababayan niya sa probinsya at quality assistance para sa mga matatanda.
Kaya ganito siya kasipag sa pagpo-promote ng kanyang mga produkto dahil ang part of the proceeds ay napupunta sa mga tinutulungan niya.
“Kailangan ko ring i-maximize kung ano ‘yung nagastos din, di ba? It’s a give and take relationship, so, iba naman ‘yung pagmamahal ko bilang ‘nanay’ or ‘mommy’ pero sa work kailangan gawin din nila kung ano ‘yung nasa kontrata nila.
“Sa totoo lang mayroon na rin po tayong hindi na-renew kasi nga dapat sundin mo nasa kontrata saka doon mo rin makikita na mahal nila ang kompanya ko, why will they forget to post kasi obligasyon nila iyon,” paliwanag ng batambatang CEO.
Inaalam namin kung sino ang mga hindi na-renew pero isang magandang ngiti ang isinagot sa amin ni Ms. Rei at bulong naman ng aming mga kasamahan sa trabaho ay isa-isahin namin ang mga naging endorsers kung sino na ‘yung mga hindi nakakasama sa events ng kumpanya.
Karamihan kasi sa mga nakuhang endorsers ni Ms. Rei ay mga sikat at ang laging idinadahilan ay busy sila.
“Hindi naman excuse na pag busy hindi na makapag-post. In the first place the others are even offered themselves to be one of the ambassadors. Kailangan talaga masisipag (ang kunin) sa panahon po ngayon na lahat na nasa social media ang pagpo-promote, kailangan talaga ang kinukuha ay masisipag kasi kung hindi wala tayong pambayad, wala tayong kita at pangtulong,” katwiran ni Ms. Rei.
Sa kasalukuyan ay may 88 personalities na existing endorsers ni Ms. Rei at lahat sila ay nakakontrata.
“May mga samaan ng loob talaga pero wala akong magagawa kasi sila ang nagkulang. Like hindi naman na nila kayang bawiin ‘yung kulang nila by posting kasi monthly requirement iyon, kunwari may kulang silang 12 (postings) paano mo babawiin, e, you have another 1 or 2 years contract. Alangan namang sa feed nila puro Beautederm ang nakalagay, ayaw ko naman po ng ganu’n (hard sell),” aniya.
Andrea hindi nagpatumba sa mga pagsubok, Rei Tan bumilib: Ibang klase ang katapangan niya!
Jelai Andres sinigurong OK sila ni Zeinab Harake: Sanay na sanay na kami sa bashers!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.