Jelai Andres sinigurong OK sila ni Zeinab Harake: Sanay na sanay na kami sa bashers! | Bandera

Jelai Andres sinigurong OK sila ni Zeinab Harake: Sanay na sanay na kami sa bashers!

Reggee Bonoan |November 22,2022
facebook
share this

Jelai Andres sinigurong OK sila ni Zeinab Harake: Sanay na sanay na kami sa bashers!

Reggee Bonoan - November 22, 2022 - 05:56 PM

Jelai Andres sinigurong OK sila ni Zeinab Harake; Sanay na sanay na kami sa bashers!

Zeinab Harake, Rei Anicoche Tan at Jelai Andres

“HAPPY birthday Mommy Rei (Tan), masaya ako at lucky ako na nakilala kita kasi super bait mo at marami kang natutulungang mga tao at saka nakaka-inspire ‘yung story niya kasi ‘yung mga pinagdaanan niya.”

Ito ang pagbati ng sikat na social media influencer na si Jelai Andres na may 30 million combined followers kay Ms. Rei Anicoche Tan sa kaarawan nito sa Nobyembre 26.

Sa ginanap na pre-birthday bonding kasama ang ilang media friends ni Ms. Rei ay dumating si Jelai bago maghatinggabi nitong Sabado para dalawin ang CEO ng Beautederm.

Bago pa dumating si Jelai ay nagkukuwento na si Ms. Rei na gustung-gusto niya ito dahil napakasipag mag-promote ng mga produkto ng Beautederm na tsinek namin sa Instagram account nito na may 5.9 million followers at totoo nga hindi matatapos ang isang linggo na walang post.

Ano ang reaksyon ni Jelai rito? “Ano nga po ‘yung tanong? Sabaw po ako, eh,” tumawang sabi niya dahil hindi pa nawawala ang pagod niya mula sa biyaheng Manila to Angeles City na siya mismo ang nagmaneho.

Sabay sabing, “Yung sa pag-promote po hindi ko iniisip as work, gusto kong gawin for the company, for Mommy Rei.”

Hirit naman ni Ms. Rei, “Sana lahat ng endorsers ganu’n kung kailan kailangan mo sila nandoon sila.”

Ganu’n ka-supportive si Jelai na isang tawag lang ay darating na agad, “Kaya ganu’n ko siya ka-love like kunwari, ‘Nak pupunta tayo sa Mutya ng Angeles isu-surprise kita (sa kanila) ganu’n siya.

“Ganu’n siya, go agad, minsan nga nasabi pa, ‘mommy kailan ka mag-aayos sa building mo (tutulong siya). Kaya love na love ko ‘tong batang ito hindi dahil ako ‘yung boss niya puwede siya anytime kasi pamilya na siya, inaampon ko na nga, eh,” paglalarawan ni Ms. Rei sa ugali ni Jelai.

Dagdag pa, “Tulad ngayon sabi ko, ‘Nak nandito ‘yung mga kaibigan natin (sa media), go siya hindi ko alam na galing siya ng Manila at siya nag-drive, kung alam ko lang hindi ko na papupuntahin.”

Samantala, kaibigan ni Jelai ang kapwa influencer na si Zeinab Harake na kamakailan ay dumaan sa kontrobersya. Nadamay din siya sa isyu.

Pagsisiguro ni Jelai, “Okay po kami ni Zeinab hindi po kami nagkaroon ng isyu kasi nag-sorry naman siya agad-agad. Sabi ko sa kanya, ‘wag mong intindihin ‘yan okay lang ‘yan.  Para sa akin po wala na ‘yun sa rami ng pinagdaanan ko sa buhay hindi ko na (aksayahan ng panahon) para intindihin pa mga ganu’n. Wala po sa akin ‘yun.”

Ayon pa kay Jelai, “Matagal ko nang kilala si Zeinab na bardagulan kung magsalita kaya hindi po ano para mag-away kami kasi kaibigan kop o siya. Para sa akin okay lang ‘yun saka pag harapan kami (mas matitindi pa bardagulan). Marami siyang pinagdaraanan kaya para sumabay pa (ako).”

Bilang patunay ay nagkaroon pa ng collaboration sina Jelai, Zeinab kasama ang isa pang kaibigan nilang si Donnalyn Bartolome noong unang linggo ng Nobyembre.

“Four years na po kaming magkakaibigan. Sa mga hindi po nakakaalam lagi kaming magkakasama pero walang vlog.  ‘Yung bonding namin hindi kami nagba-vlog.

“Kaya kung mapapansin ninyo sa channels namin ang video namin (magkakasama) sobrang dalang kadalasan kapag mayroon may birthday, tulad nu’ng Halloween kay Donna, tapos ‘yung birthday ko last February (2022). Kasi kapag magkakasama kami, nagba-bonding talaga hindi ‘yung vlogging,” paliwanag ni Jelai.

Sanay na sanay na raw sila sa issues at bashers at minsan lang daw siya pumatol dahil mainit ang ulo niya at depressed.

“Minsan lang po (ako pumatol) kapag po minsan, mainit ang ulo ko o kaya depressed ako, tapos may nakita akong nakakaasar,” say nito.

At ang dahilan ng pagpatol niya ay sinabihan siyang, “Kain ka ng tae.”

“Sabi ko sa kanya, ‘gutom lang ‘yan, kung ano-anong pinagsasasabi mo, bigyan kitang GCash, pengeng number.’ Eh mainit ang ulo ko, brokenhearted po ako, actually, nag-trend po ‘yun kasi ini-screen shot ko.

Sumagot naman sabi niya, “Oo nga po, gutom nga ako, ito po number ko.

“Sa sobrang asar ko, pinadalhan ko, P3,500. Tapos sabi niya ‘tama nga ‘yung kapatid ko, totoo palang mabait ka.

“Kaya ngayon ‘yung iba niloloko ako lagi (tinatanong), ‘mainit ba ulo mo? Gcash-gcash.’ Niloloko nila ako,” masayang kuwento ni Jelai.

Jelai na-depress dahil sa pag-ibig: Nakarating ako ng ospital, butas short ko!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jelai Andres biktima rin ng pambu-bully, sinampal ng kaklase; pinuri ni Rhea Tan bilang epektib na endorser

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending