Jelai Andres biktima rin ng pambu-bully, sinampal ng kaklase; pinuri ni Rhea Tan bilang epektib na endorser
NAGING biktima rin ng matinding pambu-bully ang Kapuso comedienne at vlogger na si Jelai Andres nu’ng nasa high school pa lamang siya.
Ito ang dahilan kung bakit hindi niya na-enjoy ang pagiging estudyante at sa katunayan talagang iniiyakan pa niya ang panunukso at panlalait sa kanya ng mga kaklase.
“Kasi ang liit-liit ko nu’n. Halimbawa first year ako, aawayin ako ng mga fourth year. Halimbawa, kasi boyfriend niya may crush sa akin, pero batambata pa ako noon, aawayin ako.
“‘Tapos mahilig talaga ako magsayaw, ako yung nagtuturo ng sayaw, ganu’n,” pahayag ni Jelai sa pakikipagchikahan niya sa kanyang manager na si Rams David.
Kuwento ng aktres, kahit gaano katindi ang ginagawang pambu-bully sa kanya noon ay hindi siya lumalaban o pumapatol, ipinagpapasa-Diyos na lang daw niya ang mga umaaway sa kanya.
Inamin din niya na talagang iniiyakan niya noon ang mga panunukso at pang-ookray sa kanya ng mga classmates niya. May pagkakataon pa nga raw na may sumampal sa kanya nang walang dahilan.
“God bless,” ang sagot ni Jelai nang hingan ng mensahe para sa mga nam-bully sa kanya noon. Dugtong pa niya, “Huwag kayong mam-bully kasi kasama siya sa hindi makakalimutan ng isang tao paglaki, yung ginagawa niyo. Mali ang mam-bully, huwag mam-bully.”
Pero ito na ang twist, Facebook friends na ni Jelai ang ilang nam-bully sa kanya noon, “Tapos nanghihingi sila sa akin ng video greeting!”
“Natutuwa po ako na natutuwa sila sa mga nangyayari sa akin ngayon,” aniya pa.
Samantala, natanong din si Jelai kung may celebrity na raw ang nanakit na sa kanya, “Merong mga nagpaiyak sa akin. Meron din kasing mga bully na ibang…parang ganu’n.
“Pero siyempre, trabaho, tiisin mo na lang, kailangang pakisamahan mo pa rin kasi kahit may ginagawa sila sa iyong masama parang okay pa rin sa akin kasi parang gusto pa rin nila ako, ganu’n.
“Minsan, gustung-gusto ko pa siya, siya yung artistang gustung-gusto ko tapos pinaiyak niya ako. Pero mabait pa rin po ako sa kanila, hindi ako nakikipag-away sa kanila,” pag-amin ng Kapuso star.
View this post on Instagram
Sa mga ganitong pagkakataon, iniisip na lamang ni Jelai ang payo sa kanya ng mga magulang, “Hindi na baleng ikaw ang inaapi, huwag lang ikaw ang mang-aapi!”
Ngunit ipinagdiinan din niya ang turo ng mga ito na kapag sobra at grabe na ang ginagawa sa kanya dapat na rin siyang lumaban para ipagtanggol ang kanyang sarili.
Samantala, kinumpirma naman ng CEO at Presidente ng Beautéderm Corporation na si Rhea Tan ang pagiging effective brand ambassador ni Jelai Andres.
Isa lamang ang aktres sa kulang-kulang 100 celebrity endorser ng pag-aaring beauty and lifestyle empire ni Ms. Rhea at in fairness talaga raw napakalaki ng naitulong nito para mas makilala at lumago pa ang nasabing kumpanya.
Mismong si Ms. Rhei na ang nagsabi na bukod sa regular at loyal customers ng Beautederm, mas nadagdagan pa ang kanilang clients at followers sa social media nang dahil sa pagiging epektibong influencer ni Jelai.
Kaya naman feeling namin, siguradong hindi na pakakawalan ni Ms. Rhea si Jelai bilang endorser ng kanyang Reiko at Kenzen health boosters.
https://bandera.inquirer.net/302520/jelai-na-depress-dahil-sa-pag-ibig-nakarating-ako-ng-ospital-butas-short-ko
https://bandera.inquirer.net/282369/jelai-andres-sa-bashers-pag-bad-ang-tao-dapat-mas-lalo-kang-maging-mabait-sa-kanya
https://bandera.inquirer.net/282023/may-karapatan-talaga-ang-asawa-na-magalit-sa-mga-kabit
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.