Yasmien inalis na ang anak sa pinapasukang school after ma-bully

Yasmien Kurdi inalis na ang anak sa pinapasukang school after ma-bully

Ervin Santiago - February 05, 2025 - 11:25 AM

Yasmien Kurdi inalis na ang anak sa pinapasukang school after ma-bully

Yasmien Kurdi kasama ang pamilya

MATAPOS mabiktima umano ng bullying ang kanyang anak na si Ayesha sa pinapasukan nitong school, nagdesisyon na si Yasmien Kurdi na huwag na uling mag-enrol doon.

Nagbigay ng update ang Kapuso actress at celebrity mom tungkol sa kanyang anak ilang buwan matapos ma-headline ang pambu-bully daw sa bata ng kanyang mga kaklase.

Sa pamamagitan ng Instagram, sinabi ni Yasmien Kurdi na magho-home school na lang muna si Ayesha kasabay ng pagpapasalamat sa mga taong nagpahayag ng pagsuporta at pakikisimpatya sa kanilang pamilya

Partikular na nag-thank you si Yasmien sa dati niyang high school teacher at principal sa isang kolehiyo dahil sa pagsuporta sa kanya na mabigyan si Ayesha ng “safe space and environment.”

Baka Bet Mo: Anak ni Yasmien Kurdi biktima ng ibang level ng pambu-bully sa school, palaging paalala kay Ayesha: ‘Maging mabait ka lang lagi at maging humble’

“We have chosen homeschooling for now under Seibo College Foundation while Ayesha is in continuous therapy with Ms. Lou, thank you so much ma’am!” bahagi ng IG post ng aktres.

Nagpasalamat din si Yasmien sa mga school  na nag-reach out sa kanya para tulungan si Ayesha.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Yasmien Kurdi (@yasmien_kurdi)


“We truly appreciate all the schools and people that reached out to us. Father Motti, I’ll visit you soon! Let’s catch up!

“And Father Edzel, thank you for your prayers and guidance; we love you! Dra. Annie, Jaypee, at sa lahat ng nagmamahal maraming salamat!

“Special thanks also to Ms. Jaime, Ms. Day and all the wonderful teachers of Seibo College Foundation. Mahal namin kayo! Maraming Salamat po and God bless you always!” mensahe pa ni Yasmien.

Matatandaang noong December, 2024, ibinahagi ni Yasmien ang pambu-bullying sa 12-anyos na anak ng isang grupo ng mga estudyate sa kanilang klase.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kinontra naman ito ng mga opisyal ng paaralan. Ang nangyari raw ay isa lang insidente ng diskusyon sa mga estudyante tungkol sa preparasyon sa Christmas party.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending