Alex idinemanda nagkomento ng 'baog': Ayaw na natin ng bullying!

Alex Gonzaga idinemanda nagkomento ng ‘baog’: Ayaw na natin ng bullying!

Ervin Santiago - October 14, 2024 - 12:45 AM

Alex Gonzaga idinemanda nagkomento ng 'baog': Ayaw na natin ng bullying!

Mikee Morada at Alex Gonzaga

MAY idinemanda pala ang TV host-actress na si Alex Gonzaga dahil sa mga pinagsasabi nito noong mabalitang nakunan siya sa dapat sana’y magiging panganay nila ni Mikee Morada.

Pahayag ni Alex, hindi lang daw para sa kanyang sarili ang pagsasampa niya ng kaso laban sa taong hindi niya pinangalanan kundi para sa lahat ng kababaihang nakararanas ng panghaharas at pambu-bully.

Nakachikahan ng BANDERA at ilang piling miyembro ng entertainment media si Alex sa launching ng bago niyang endorsement, kasama pa ang parents niyang sina Mommy Pinty at Daddy Bonoy, ang Chef Aybs’ Paragis Tea.

Dito masayang ibinalita ng aktres at content creator na any moment ay pwede na siyang mabuntis uli.

Baka Bet Mo: Hirit ni Alex Diaz kay Ogie: Bakit ang dami mong anak? Bakit parang playboy ka?

“My last test, positive na po ‘yung katawan ko so any time puwede na po tayong mabuntis. Kasi tiningnan ‘yung blood. Ganun pala ‘yun. Right now, it’s positive, it’s 60 percent okay so any time na po,” ang pahayag ng sisteraka ni Toni Gonzaga.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)


Sey pa ni Alex, “One of the reasons kaya hirap akong mabuntis is masyadong mataas ang immune system ko na hindi ko po alam kung bakit. There’s something wrong with my thyroglobulin na sinabi ng doctor ko.

“I’ve tried IVF (in vitro fertilization). Before, I’m doing LIT (lymphocyte immunization) kasi nga po nakita na masyadong mataas ang immune system. My body doesn’t recognize pregnancy. Nu’ng nagtra-try po kami, hindi masyadong umaangat ‘yung blood levels ko,” esplika pa ni Alex.

Ang LIT or lymphocyte immunization therapy ay isang “fertility treatment whereby white blood cells from the father-to-be are isolated from the father’s blood and injected into the skin of the prospective mother.”

Kasunod nga nito, nabanggit ni Alex ang tungkol sa kanyang mga bashers kung saan isa sa mga ito ay kinasuhan niya dahil sa paggamit nito sa mga salitang “baog” at “nalaglag.”

“Hindi ako nasaktan personally. Pero tingin ko kailangang mag-stop ‘yung kapag sinasabihan kang baog. Sa gender, very sensitive na po tayo ngayon. Even sa body shaming.

“Pero bakit sa babae, kapag walang anak, bakit parang very loosely ginagamit ‘yung baog? We really have to be sensitive about it. Sa akin, kaya ko, puwede naman.

“What if may mga taong very sensitive talaga sa kanila ‘yung ganu’ng issue? May mga ganu’n talaga akong kilala na they can’t even talk about it.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Alex Gonzaga-Morada (@cathygonzaga)


“Naisip ko, we have to be careful na gamitin ‘yung words na ‘yun sa mga kababaihan kasi maraming inner struggles ang mga babae na hindi natin alam,” aniya pa.

“Meron akong nademanda riyan. Ngayon, maglalabas na siya ng statement niya. Hindi ito para sa akin na nasaktan ako but because gusto kong maging conscious na tayo para lang hindi na dapat ginagamit ‘yung salitang baog, nalaglag.

“Sa digital world, sensitive na ang mga tao. Ayaw na natin ‘yung bullying. Itong parte na ito sa kababaihan, hindi pa masyadong nabibigyan ng pansin. Nung may nakita akong nagkomento na ganun, pinakausap ko sa lawyer,” paliwanag ni Alex.

Sa ngayon, naghihintay na lang sila sa paglalabas ng public apology ng taong kinasuhan niya, “Pinatawad po namin. Kailangan lang niyang maglabas ng apology. Pinapaayos namin ‘yung apology.”

Samantala, feeling blessed din si Alex dahil sa bago niyang endorsement kasama sina Daddy Bonoy at Mommy Pinty.

Pumirma ng kontrata ang tatlo bilang brand ambassador bg Chef Aybs’ Paragis Tea, a Filipino brand dedicated to natural wellness.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nakaka-proud na suportahan ang isang brand na Filipino made. Nakakatulong pa tayo sa mga tao. Lahat ng blessings na ito ay galing sa Kanya,” ani Alex.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending