Alex Gonzaga dinakma ang boobey, original target dibdib ni Mikee?

Alex Gonzaga dinakma ang boobey, original target dibdib ni Mikee?

Therese Arceo - June 14, 2024 - 04:28 PM

Alex Gonzaga dinakma ang boobey, original target dibdib ni Mikee?

NALOKA ang TV host-actress na si Alex Gonzaga sa kanyang naging karanasan nang bumisita sa Ormoc, Leyte kasama ang asawang si Mikee Morada kamakailan.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi niya ang isang video kung saan talagang dinumog sila ng madlang pipol nang dumalo ang mga ito sa isang event.

Habang naglalakad ay todo kaway at all smiles pang bumabati si Alex nang biglang may dumakma sa kaliwang dibdib niya.

“POV: Ang gusto ko lang naman makamayan ang mga taga-ORMOC.

“Kala ni ate, asawa ko nadibdiban niya, tumili pa! Akun yun nilapirot mo teh,” sey ni Alex sa video.

Chika pa niya sa caption, “The story of my life as a flat girl.”

Baka Bet Mo: Alex Gonzaga sa mga couple na wala pang anak: ‘Alagaan muna ang isa’t-isa’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Agad namang umani ng samu’t saring komento mula sa mga netizens ang sinapit ni Alex.

“It’s a no no for me kahit flat screen ka [emoji] charrr haha pro hindi yan sadya ni ate for sure. sabik lang siya mahawakan ka without realizing na baka iba na yung mahawakan niya….. at ayun nga iba nga talaga yung nahawakan,” saad ng isang netizen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Comment naman ng isa, “This is unbelievable. This is not a funny matter at all. I hope they reprimand and sanction the person who did this to you Alex. Mygosh! This is never going to be okay! Not acceptable at all.”

“This is sad but nakakabastos but Ms. Alex handled it well., kasi kung sa iba bigdeal na yan.. So sad pwede naman kasi humanga ng maayos eh,” hirit naman ng isa.

Naiintindihan naman ng bunsong Gonzaga ang sentimento ng mga netizens ngunit sinabi nito na wala naman daw dapat ipag-alala ang mga taong concern sa kanya dahil hindi naman daw sinasadya ng babae ang pagdakma ng kanyang dibdib.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending