Alex sa mga couple na wala pang anak: Alagaan muna ang isa’t-isa

Alex Gonzaga sa mga couple na wala pang anak: ‘Alagaan muna ang isa’t-isa’

Pauline del Rosario |March 30,2024
facebook
share this

Alex Gonzaga sa mga couple na wala pang anak: ‘Alagaan muna ang isa’t-isa’

Pauline del Rosario - March 30, 2024 - 11:27 AM

Alex Gonzaga sa mga couple na wala pang anak: ‘Alagaan muna ang isa’t-isa’

PHOTO: Instagram/@cathygonzaga

“ALAGAAN muna ang isa’t-isa.”

‘Yan ang payo ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga para sa mga mag-asawa na katulad nila ng mister na si Mikee Morada na hindi pa rin nagkaka-baby.

Sa pamamagitan ng TikTok, ibinandera ni Alex ang video nila ni Mikee habang sweet na sweet na kumakain sa isang restaurant.

“Only future parents like us will see this. Claim it in Jesus name,” saad sa video text.

Payo ni Alex, “Habang wala pa[ng anak], alagaan muna ang isa’t-sa.”

“Sa aming mga kapwa mag-asawa nag-aantay. Eto na malapit na in Jesus’ name [folded hands emoji],” caption pa niya sa post.

Baka Bet Mo: Alex feel na feel ang pagiging ‘Skusta Gee’, reaksyon ni Mikee laughtrip

@mscathygonzaga Sa aming mga kapwa magasawa nagaantay. Eto na malapit na in Jesus’ name 🙏🏼 #Alexgonzaga #fyp #everyone ♬ lights are on – geo ☽

Mababasa sa comment section na maraming netizens ang nagpaabot ng kanilang dasal at humiling na sana ay mabigyan na ng anak sina Alex at Mikee.

“Praying with & for you, Alex. Like you, I was also promised by God. He was so specific that in the 3rd year of our marriage, we will have a son & we did. We gave him the name Isaac, our promised son.”

“Praying na magka-baby na po kayooo. In God’s perfect time [holding back tears emoji].”

“Inihanda lang po kayo ni Lord sa sitwasyon na pag magka-baby na kayo is no worries na.. Pray lang po ng pray [folded hand emojis].”

“Kami po ng asawa ko 16 yrs together 7 years nang kasal trying pa rin po at hindi sumusuko… kaya fighting lang po [emojis]”

Noong nakaraang buwan lamang nang ibinunyag ni Alex na nagtungo siya sa isang immunology doctor upang ihanda ang kanyang katawan sa muling pagbubuntis.

Kung matatandaan, dalawang beses nang nakunan si Alex.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang una ay noong October 2021 at ang sumunod ay noong Nobyembre ng nakaraang taon nang sinubukan ng mag-asawa ang in-vitro fertilization.

“Sharing one’s motherhood journey is never easy because it brings back all the pain and feeling of loss,” pagbabahagi ni Alex nang ma-interview siya noon ng kanyang ate na si Toni.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending