Alex Gonzaga laughtrip ang pagiging 'Skusta Gee'

Alex feel na feel ang pagiging ‘Skusta Gee’, reaksyon ni Mikee laughtrip

Pauline del Rosario |February 05,2024
facebook
share this

Alex feel na feel ang pagiging ‘Skusta Gee’, reaksyon ni Mikee laughtrip

Pauline del Rosario - February 05, 2024 - 10:38 AM

Alex feel na feel ang pagiging 'Skusta Gee', reaksyon ni Mikee laughtrip

PHOTO: Screengrab from Instagram/@cathygonzaga

BENTANG-BENTA sa maraming netizens ang latest social media post ng actress-vlogger na si Alex Gonzaga.

Paano ba naman kasi, laughtrip ang naging reaksyon ng kanyang mister na si Mikee Morada nang mahuling nagra-rap si Alex sa loob ng CR.

Sa Instagram, ibinandera ng aktres ang kanyang kwelang video ng pag aala-“Skusta Gee.”

Feel na feel pa nga niya ang kantang “Testing” ng rapper na si Skusta Clee dahil kabisado raw niya ito nang biglang binuksan ni Mikee ang pinto at kitang-kita na naalimpungatan ito sa kanyang tulog.

Sinita niya si Alex dahil alas tres pa lang ng madaling araw ay napakaingay na ng kanyang asawa.

Caption tuloy ni Alex sa kanyang post, “Nag-testing lang naman si Skusta Gee dahil kala ko tulog na tulog na asawa ko, nasabotahe pa [crying emoji].”

Baka Bet Mo: Melai Cantiveros laughtrip sa AAA 2023: ‘I feel like I am the first honor!’

Sa comment section, maraming tawang-tawa sa video ni Alex at narito ang ilan sa mga naging reaksyon nila:

“Partida wala pa kayong anak niyan pero yung galit niya pang tatay na ng limang anak [laugh emoji].”

“Hahahahah [laugh emojis] walang hiya ka! Si Mikey naalimpungatan. Ngayon na siya mag-iisip if tamang tao ba pinakasalan niya or tao ba pinakasalan niya [peace sign, laugh emojis].”

Baka Bet Mo: Mikee tanggap na kung hindi sila magka-baby ni Alex: ‘Masayang-masaya na ako ‘pag tayong dalawa lang, bonus na lang sa akin ang baby’

“‘Yung inis niya parang sa anak nagalit [laugh emoji].”

“Nakalimutan mo yata may asawa ka na…Hahahaha kawawang Mikee [laugh emoji].”

“‘Yung ang ganda na ng pagkaka-rap tas biglang napurnada [laugh emoji]”

“Ok lang ‘yan kaysa boring ang napangasawa mo mas mainam na ganyan happy lagi [laugh emoji]”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukod sa netizens, napa-react din ang fellow celebrities kabilang na sina Melai Cantiveros, Diane Median, Darla, Lovely Abella, Jopay Zamora at marami pang iba.

Matatandaan taong 2020 nang ikinasal sina Alex at Mikee sa isang private wedding na ginanap sa Gonzaga residence sa Taytay, Rizal.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending